bella swan,
Kung mayroon akong pinaka-inaabangang araw sa buong taon, ‘yun ay ang birthday ko. Laging special ang birthdays sa pamilya namin. Kahit wala o konti lang ang handa, panigurado meron pa ring simpleng regalo o sorpresa. Higit doon, nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga tao para sa ‘kin.
Pinakapaborito ko ring araw ‘yan kasi napansin kong halos lahat ng hilingin ko pag birthday ko—mula sa mga simpleng chocolate cake o strawberry ice cream hanggang sa mga life-changing events kagaya ng pagkuha ng scholarship abroad ng Ate ko at pagbabalikan ng nanay at tatay ko—natutupad. Minsan matagal bago maibigay sa ‘kin o sa pinag-wish ko, pero natutupad pa rin.
Feeling ko nahihiya ang Universe na hindi ako pagbigyan sa araw na ‘yan. Madalas kasi parang pinagtitripan niya ako dahil kung ano ang kabaliktaran ng gusto ko, ‘yun ang nakukuha ko.
Halimbawa, minsan pag gustung-gusto ko ng Milo, ang meron lang kape. Tapos madalas kung ano pa yung pinag-iipunan ko, ‘yun pa ang hindi ko mabibili. Tsaka tuwing excited ako sa summer outing naming magkakaibigan, panigurado hindi matutuloy.
Pero kahit ganyan, matindi pa rin ang paniniwala ko sa Universe. Naniniwala ako sa signs, sa fate, sa destiny. Naniniwala ako na may mga tao at bagay na meant to be. ‘Yun bang kahit ilang beses mo nang iniwasan at ilang beses mo nang tinanggihan at di pinaniwalaan, ‘yun pa rin ang mangyayari sa’yo. ‘Yung mga makailang beses mo nang naiparating sa Universe na hindi ‘yun ang gusto mo, sadyang ‘yun pa rin ang ibibigay sa’yo.
Parang ikaw.
Hindi ko malilimutan ang araw na dinala ka ng Universe para gambalain ang buhay ko. Grade 7 Filipino class, binibigay ni Ma’am ang groupings. Ilang araw ko nang hinihiling na maging kagrupo ko sa kahit isang subject man lang si gwapong-swimmer-happy-crush kaya hindi na ko mapakali. Finally! Matutupad na yata ang hiling ko!
Dalawa na lang ang kulang sa second to the last group. Tinawag na ako ni Ma’am tapos… tapos… tapos… tinawag niya si crush!!! Gusto kong magtatalon sa tuwa! Pero………. Tiningnan ulit ni Ma’am ang hawak niyang papel at binawi niya. Sorry raw, nagkamali siya ng tingin. Sa last group raw pala si crush. Ayun…….. ipinalit ka. Hay naku! Biyaya na, naging bato pa.
Mula noon, it’s like you’re everywhere. Katabi na nga kita sa maraming subjects na alphabetical ang seating arrangement, madalas pa kitang maging kagrupo sa projects. Kahit bunutan na ang labanan, nagiging magkagrupo pa rin tayo. Tapos kasama pa kita sa YLO.
Okay naman sa ‘kin ‘yan. Naging close nga tayo agad kasi kwela ka, madaldal, at masayang kausap. Kaya lang, yung mga pasaway nating kaklase at kaibigan, maya’t maya tayong pinapansin.
“Uyyyy… magkagroup na naman kayo!”
“Yiheeeeee… magkatabi na naman sila!”
Tapos nung nalaman nila na magkasunod ang birthdays natin, hindi na tayo tinantanan.
“Yes namaaaaan! Meant to be talaga!”
“OTP! OTP!”
Hay. Kahit ano na lang, basta makapang-asar. Nakakainis!
Kaya dumating tuloy sa point na minsan pag kinakausap mo ako, short answers lang binibigay ko. Kahit sa chat hindi kita masyadong pinapansin. Ayokong lagyan nila ng malisya. Una, baka isipin ni gwapong-swimmer-happy-crush totoo yung mga sinasabi nila. At pangalawa, wala lang. Nakakailang eh.
Aminin mo man o hindi, alam kong ang pag-ilag ko ang dahilan kung bakit nagsawa kang mag-reach out. Kaya minsan man tayo naging close, hindi talaga natin masasabing naging friends tayo.
Kaya lang, makulit talaga ang Universe. Biruin mo, nung sumunod na dalawang taon, hindi tayo magkaklase, hindi rin tayo pareho ng club, pero madalas pa rin tayong nagkikita. Halimbawa sa sakayan o sa Ikot mismo, papunta man sa school o pauwi. Nagkakasabay rin tayong magsimba pag Linggo. Tapos, paminsan-minsan, binibigyan pa tayo ng Universe ng moments.
Nung socials nung Grade 8, nagkataon tayong dalawa lang ang naka-pula kahit kung iisipin ang common naman ng pulang damit. Kaya nung isinayaw mo ako, tinutukso na naman tayo: “Niiiiceeee… couple outfit.”
Nung 15th birthday ko, nag-Enchanted Kingdom kami ng mga pinsan ko. Nandun ka rin pala kasama ang mga kabarkada mo kasi advanced celebration mo naman. Nagkita tayo sa pila ng Space Shuttle.
Nung English Week, yung tula mo ang naibigay sa ‘kin sa poem exchange. Pero hindi ako sigurado kung alam mong ako ang nagsulat ng reply sa’yo.
Nung prom, isinayaw mo ako nung Can’t Help Falling in Love ang kanta. Yun rin ang kanta nung sumasayaw tayo nung socials.
At nung bakasyon, inenroll ako sa voice lessons sa College of Music. Naka-enroll ka rin, sa piano naman. Sabay ang schedule ng lessons natin kaya medyo naging close tayo ulit. Mas nakilala natin ang isa’t isa. Hanggang sa chat nag-uusap tayo. Marami ka kasing kwento. Kung ano ano lang—yung mga nabasa at gusto mong basahing mga libro, yung pangarap mong makasulat ng magandang kanta, yung ex-MU mong lahat pinagseselosan pero nagagalit sa’yo pag ikaw naman ang nagseselos, yung mga naririnig mong pinag-uusapan ng nanay mo at mga amiga niya pag nagzu-Zumba sila sa inyo.
Narealize kong mas okay talaga pag walang nang-aasar sa paligid. Mas nakakapag-usap tayo. Pero narealize ko rin na mahirap pala. Mahirap umilag. Mahirap na hindi ka maging crush. Mahirap hindi ma-fall. Mahirap na hindi bigyan ng meaning ang signs. Lalo na’t ngayong Grade 10, magkaklase na naman tayo at magkasama na naman sa org.
Kaso ngayon, pag tinothrowback tayo (which is often), di ko maintindihan kung anong reaksyon mo. Minsan sinasakyan mo naman. Minsan parang iniisip mo kung ngingiti ka ba o tatawa o sasagot o deadma na lang. Pero madalas meh, wala lang. Poker face. O kaya sasabihin mo lang “weh” o “hala.”
Samantalang ako, tawa o ngiti ang default setting ko sa mga ganyan. Mabilis pa ko magblush. Mukha tuloy akong kinikilig palagi kahit hindi naman. Medyo lang.
Pero akala ko bilang friends na tayo at mas mature na rin, hindi na tayo apektado ng mga ganito. Kaya lang nabaliktad na yung mundo kasi parang ikaw naman yung umiiwas sa ‘kin. Biglang hindi mo na ko masyadong pinapansin at kinakausap.
“Yan! Di mo kasi pinapansin noon! Hu u ka tuloy ngayon!” tumatawang sabi ng mga kaibigan ko.
Eh ganun talaga ang buhay. Tsaka ganito talaga ko pagtripan ng Universe. Pero okay lang naman kung di mo ko gusto. Akala ko lang kasi friends na tayo.
“Di pa ‘yan naka-move on.”
Sa ka-MU? Okaaaaaaay.
“Ayaw niya sigurong umasa ka.”
Grabe! Haba ng hair? Gwapong gwapo sa sarili? Azar ha.
Pero sa totoo lang, naguguluhan ako. Naguguluhan na ako sa feelings ko, sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, sa mga kalokohan ng Universe, at higit sa lahat, naguguluhan ako sa’yo.
Kaya ngayong taon, alam ko na kung anong hihilingin ko sa birthday ko: ang mawalan ng paki sa’yo.
Tumapat sa pangalawang araw ng camping ang birthday ko. Pinagpapartner sana tayo sa isang station ng amazing race. Tumanggi ako dahil bukod sa di ko masyadong type ipagawa ang activity na ‘yun, nakakahiya namang humiling sa Universe ng hindi ko naman gagawin ang part ko.
Sa dami ng ginagawa, matatapos na ang socials (at ang birthday ko) nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapagwish. Iniisip ko pa lang kung saan at paano kaya ang gagawin nang tinawag ako ng ilang cadets at niyaya ako sa labas ng Bulwagan.
Nang makalabas… “Happy birthday to you… happy birthday to you…” Kinakantahan ako ng mga cadets habang lumalapit ang best friend ko hawak ang isang mini-version ng paborito kong chocolate cake na may kandila. “Magwish ka na, bes,” sabi niya pagkatapos ng kanta.
Yes! Ang bait talaga ng Universe. Akala ko hindi na ko makakapagwish. “Sana makalimutan na kita,” isip ko at hinipan ko na ang kandila. Pero… ayaw mamatay! Humina ang ningas pero sumindi ulit. Sinabi kong muli ang wish sa isip ko, “Sana mawalan na ko ng paki sa’yo,” at hinipan ko ulit. Ganun na naman!
“Hahaha! Ayaw yata sa wish mo,” biro ng cadets.
“Hahaha. Re-lighting candle, beh, kaya matagal mamatay,” sabi ni best friend. “Isa pa, dali. Pumikit ka na. Bago matunaw yung kandila.”
Isa pa talaga dahil kailangang matupad nito. Pumikit na ko para muling humiling at naisip ko, “Lokong Universe ka! Kampi ka siguro talaga sa kanya! Ano bang gusto mong wish ko? ‘Sana wag na siyang magulo’ o kaya ‘Sana maging okay kami,’ o ‘Sana kasama siya sa surprise na ‘to?’ Gan—”
“Huy haba naman ng wish na yan! Hipan mo na! Tunaw na!” sigaw ni best friend.
Natataranta akong dumilat at hinipan ko ang halos upos nang kandila. Nagpalakpakan ang cadets at ilang senior scouts na hindi ko agad napansing andun pala. “Yiheeeeeee!!!” sigaw nila.
Hindi ko lubos na naintindihan hanggang inangat ko ang tingin ko…… Biglang uminit ang pisngi ko at kung maliwanag lang dito, makikita kung paano namula ang mukha ko.
“Hi,” nakangiti ngunit parang nahihiya mong sabi. Ikaw na pala ang may hawak ng cake. “Happy birthday,” wika mo. “Sana matupad ang wish mo.”
ITUTULOY.
*Inspired by James Reid and Nadine Lustre's Hanap-hanap
Literary (Submission): Hanap-hanap*
“Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon…”

“Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon…”

“Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin…”

“Pero tadhana ko’y mukhang di tayo pagtatagpuin…”
Kaso ngayon, pag tinothrowback tayo (which is often), di ko maintindihan kung anong reaksyon mo. Minsan sinasakyan mo naman. Minsan parang iniisip mo kung ngingiti ka ba o tatawa o sasagot o deadma na lang. Pero madalas meh, wala lang. Poker face. O kaya sasabihin mo lang “weh” o “hala.”
Samantalang ako, tawa o ngiti ang default setting ko sa mga ganyan. Mabilis pa ko magblush. Mukha tuloy akong kinikilig palagi kahit hindi naman. Medyo lang.
Pero akala ko bilang friends na tayo at mas mature na rin, hindi na tayo apektado ng mga ganito. Kaya lang nabaliktad na yung mundo kasi parang ikaw naman yung umiiwas sa ‘kin. Biglang hindi mo na ko masyadong pinapansin at kinakausap.
“Yan! Di mo kasi pinapansin noon! Hu u ka tuloy ngayon!” tumatawang sabi ng mga kaibigan ko.
Eh ganun talaga ang buhay. Tsaka ganito talaga ko pagtripan ng Universe. Pero okay lang naman kung di mo ko gusto. Akala ko lang kasi friends na tayo.
“Di pa ‘yan naka-move on.”
Sa ka-MU? Okaaaaaaay.
“Ayaw niya sigurong umasa ka.”
Grabe! Haba ng hair? Gwapong gwapo sa sarili? Azar ha.
Pero sa totoo lang, naguguluhan ako. Naguguluhan na ako sa feelings ko, sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, sa mga kalokohan ng Universe, at higit sa lahat, naguguluhan ako sa’yo.
Kaya ngayong taon, alam ko na kung anong hihilingin ko sa birthday ko: ang mawalan ng paki sa’yo.
“Pinili kong lumayo…”
Tumapat sa pangalawang araw ng camping ang birthday ko. Pinagpapartner sana tayo sa isang station ng amazing race. Tumanggi ako dahil bukod sa di ko masyadong type ipagawa ang activity na ‘yun, nakakahiya namang humiling sa Universe ng hindi ko naman gagawin ang part ko.
Sa dami ng ginagawa, matatapos na ang socials (at ang birthday ko) nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapagwish. Iniisip ko pa lang kung saan at paano kaya ang gagawin nang tinawag ako ng ilang cadets at niyaya ako sa labas ng Bulwagan.
Nang makalabas… “Happy birthday to you… happy birthday to you…” Kinakantahan ako ng mga cadets habang lumalapit ang best friend ko hawak ang isang mini-version ng paborito kong chocolate cake na may kandila. “Magwish ka na, bes,” sabi niya pagkatapos ng kanta.
Yes! Ang bait talaga ng Universe. Akala ko hindi na ko makakapagwish. “Sana makalimutan na kita,” isip ko at hinipan ko na ang kandila. Pero… ayaw mamatay! Humina ang ningas pero sumindi ulit. Sinabi kong muli ang wish sa isip ko, “Sana mawalan na ko ng paki sa’yo,” at hinipan ko ulit. Ganun na naman!
“Hahaha! Ayaw yata sa wish mo,” biro ng cadets.
“Hahaha. Re-lighting candle, beh, kaya matagal mamatay,” sabi ni best friend. “Isa pa, dali. Pumikit ka na. Bago matunaw yung kandila.”
Isa pa talaga dahil kailangang matupad nito. Pumikit na ko para muling humiling at naisip ko, “Lokong Universe ka! Kampi ka siguro talaga sa kanya! Ano bang gusto mong wish ko? ‘Sana wag na siyang magulo’ o kaya ‘Sana maging okay kami,’ o ‘Sana kasama siya sa surprise na ‘to?’ Gan—”
“Huy haba naman ng wish na yan! Hipan mo na! Tunaw na!” sigaw ni best friend.
“…ngunit pilitin ma’y bumabalik sa’yo…”

0 comments: