barcode,
Naalala mo pa ba?
Noong nililigawan ka pa niya
Sa tuwing magtatama ang mga mata
Di mapigil ang kilig na iyong nadarama
Sa bawat hawak niya sa iyong kamay
Napupuno ka ng buhay
At noon ngang ikaw at siya ay naging kayo
Naluluha-luha ka pang nagkwento
Sa tuwing pinasasaya ka niya, nandito lang ako, nagiging masaya para sa’yo.
‘Di ako nawala sa iyong tabi,
Gaya ng mga bituin sa malamlam na gabi,
At kapag sumikat ang araw, mga bitui’y nagtatago sa sikat ng umaga
Di ako mawawala, gaya ng mga bituing nagkukubli sa sinag kung umaga
Ngunit dumating ang araw
Na pinaiyak ka niya
Sa tuwing makikita mo siyang may kasamang iba
Ang mga luha mo’y patuloy na pumapatak sa mga mata
Galit na galit kapag naalala mga salitang-
"Ayoko na sa’yo."
At nang gabing iyon ang dating "kayo" ay muling naging ikaw at siya
Umiiyak kang lumapit sa akin para magkuwento
Noong iniwan ka niya niyakap kita nang mahigpit
Sinubukang pasayahin ka,
‘Di kailanman iiwan gaya ng mga bituin sa gabi na iyong hinihilingan.
‘Di kita iiwan, gaya ng mga bituin sa gabi.
Pero minsan ay naitatanong ko na lang
Kailan ka huling nagpasalamat sa isang bituing tumupad ng iyong hiling?
Kailan mo huling hinanap ang nag-iisang bituing nagbigay ningning sa nagdidilim na kaulapan?
Kailan mo huling piniling di matulog sa gabi
Dahil sa takot na mawala na lang bigla ang bituing sa iyo’y laging nakatingin.
Kailan mo kaya ako pipiliin?
Dahil gaya ng mga bituin,
Napapagod rin ako sa pakikinig sa iyong mga hiling na tanging pansarili lamang
Napapagod rin ako sa paggabay sa mga tulad mong tila naliligaw sa dagat
Tila nagpupumilit na bumaba sa dalampasigan
Napapagod rin ako
At maglalaho na ang ningning kong para sa’yo,
Gaya ng mga bituin.
Literary: Gaya ng mga Bituin

0 comments: