beyondMC,
Noon, sinasabi ko palagi sa sarili, “Di na ako muling iibig. Ayaw ko nang masaktan”.
Subalit nakita kita at nagbago ang lahat. Sa isang iglap, binihag ako ng iyong mga matang singninging ng mga tala sa madilim na langit.
Tuluyan nga akong nahulog sa’yo-- ikaw, na inasahan kong makakasama ko hanggang sa dulo ng mundo. Inakala kong ikaw ang buwan; ang liwanag sa mga malulungkot kong gabi. Umasa akong ikaw ang araw na hihikayat sa aking lumapit sa ningning mo-- ang tinitibok ng puso ko.
Ngunit ako’y nagkamali.
Mag-isa akong umasa. Ako lang pala.
Dati rati’y napapaisip din ako. Itinuring kitang mahiwagang bulalakaw na tumama sa puso’t isipan ko. Umasa akong ikaw na ang tunay na pag-ibig na di ko pa nararanasan. Ngunit sa pagkahulog mo sa puso ko’y nadurog mo rin ito. Nagkamali ako.
Sa bawat talang nakikita mo sa langit, akala ko’y ako na ang pinakamaningning para sa’yo. Pero hindi ka man lang pala naakit sa liwanag ko. Pinili mo pa rin ang pinakamadilim at pinakamalayo sa iyong paningin.
Hayaan na natin ang nakalipas. Malinaw na hindi ako ang para sa iyo. At mas lalong hindi ikaw ang para sa akin.
Subalit alam kong hindi dito natatapos ang lahat.
Balang-araw, sa kalawakang puno ng mga bituin, mahahanap ko rin ang papalit sa’yo. Maghihintay ako, kahit gaano katagal; maghihintay sa pagbagsak ng isang maningning na bulalakaw.
Literary: Sangnilikha

0 comments: