dane jamandron,

Feature: MCLegacy

9/02/2016 08:17:00 PM Media Center 0 Comments

Layunin ng bawat batch ng Media Center (MC) ang makapag-iwan ng mga balita, artikulo, tula, kwento, atbp. na magugustuhan at maaalala ng mga mambabasa. Dahil dito, parating may mga bagong ideya at pakulong naipakikila ang MC. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito:


CREATIVE WRITING PROJECT

Kung may isang bagay na kaabang-abang sa bawat semestre ng MC, ito’y ang kanilang pagsusulat ng Creative Writing Project (CW). Dito nasusubok kung gaano kahusay humugot, magpatawa, magpakilig, at pumukaw ng interes ang mga taga-MC. Kaya naman masisiguro ninyong mula sa pinaka-una hanggang pinakabagong CW, mapapabasa kayo hanggang dulo.

Bago isulat, ipromote, at ipublish, dumadaan ang mga CW Project sa isang story conference.
Doon pinag-uusapan ng staff ang mga magiging bida at kwento.

Ibang klase ng hirap, pagod, at promotion ang pinagdaraanan ng bawat proyekto. Hinahanapan ng bagong pakulo, istilo ng pagsulat, at mga kapana-panabik na plot twist ang bawat akda. Siyempre, sa tulong din ng LCs, mas gumaganda ang mga akda at lalong napapabilib sa MC ang mga mambabasa.

Ang sulatang Manuel-Natalie sa Pusong Bato ng MC2 2014
ang isa sa mga pinaka-sinubaybayan at tinangkilik na CW Project ng MC.

Ilan sa mga sikat na CW ng MC ay ang Isang Araw, Pusong Bato, at Trese na talaga namang sinubaybayan at tinangkilik! Kaya naman kahit nakakapagod, sulit ang mga pinaghirapang obra maestra dahil napapasaya nito ang mga mambasa. Dahil dito, masasabi mong kapag binanggit ang malikhaing pagsulat, tatak na ng MC ‘yan! // by Marianne Sasing


POLLS

Mabigyan ng boses ang mga taga-UPIS at kung minsan ay manlibang. Ito ang objective ng MC nang una nilang gamitin ang pagsasagawa ng mga poll. Sa di inaasahang resulta, naging panghatak na rin ito ng mga mambabasa sa Aninag Online. May mga reader kasi na inaabangan ang mga witty answers sa poll questions, meron namang naghihintay lumabas ang pangalan nila dahil natanong sila ng isang miyembro ng MC nang araw na magsagawa ng poll.

Pinag-aagawan ng staff, lalo na ng mga wala pang approved articles for publishing, ang paggawa ng poll. Akala siguro nila madali lang itong gawin. Ang totoo, mahirap ito. Pinakamahirap ang mag-isip ng paksa. Kailangan na malikhain at kakaiba. Inaabot ang staff ng ilang oras bago makabuo ng paksang iaapprove ng LCs.

Inilimbag noong 2012 ang resulta ng unang poll ng MC. Pinamagatan itong Ansabe. Binubuo ito ng pitong (7) tanong tungkol sa reaksyon ng mga Isko at Iska sa 5-day schedule sa UPIS. Noong taon ding iyon kasi sinubukang muling ipatupad ang limang araw na pasok sa UPIS. Matapos nito, sinundan na ito ng iba pang poll mula sa iba't ibang batch ng MC. May kanya-kanya pakulo sa bawat poll, tulad na lang ng spoof poll ng Batch 2015, na talagang katawa-tawa. // by Dane Jamandron


TEASERS

Teaser ang nagbibigay ng clue sa kung ano ang dapat abangan sa ilalabas na pub, at kadalasan ay ipinapakita na rito ang theme ng mga literary articles. Dito rin nakikita ang galing at pagka-artsy ng graphics team ng MC.

Kailangang maging interesting at may suspense ang mga ito, habang kaunti lang dapat sa mga detalye ng pub ang ipakikita. Minsan ay naglalabas rin ng mga printed teasers na ipinapaskil sa school para mas maka-engganyo ng mga mambabasa.

Bukod sa pagiging creative, kailangan resourceful rin ang Art Director (AD) at Graphics Team sa paggawa ng teaser.
Para sa ikaapat na #MCAnniversary noong 2015, ginamit ni AD Hazel Romero ang mga vintage na gamit sa kanilang bahay at bumili pa ng cake at kandila.

Ang bawat teaser ay matagal na pinag-iisipan at ilang gabi ring pinagpupuyatan. Ayaw kasi naming marinig ang:
1. Ang pangit
2. Walang dating
3. Ano ‘yan? ‘Yan ba ‘yun?
4. Wala na bang ibang konsepto?”
Ilan lamang ‘yan sa mga natatanggap namin sa LCs bago maaprubahan ang teasers. Sinasabi nila ‘yan habang nakangiti pa sa staff. :) // by Enzo Bautista

Minsan, hindi natitiis ng mga taga-MC ang pagiging witty nila kaya gumagawa sila ng sarili nilang teaser
kagaya ng Lit Mermaid promotion ni MC2 2015 Managing Editor Arienne Baladad para sa #UndertheMC.

VIDEOS

Para sa ikalimang edisyon ng Di-MaAninag Online, inilabas ng MC 2018 ang kauna-unahang news video na inilathala sa Ang Aninag Online.

Bilang paggunita naman sa isa sa mga pinaka-espesyal na tradisyon ng Media Center, ang #MCValentines, naglabas ng isang music video ang MC 2018. Ang Pana-panahon ay isinulat at kinanta ni Bea Zamora (UPIS Batch 2015) base sa isang tula nina Faber Castell 0.7 at Crescencia. // by Enzo Bautista


BANNERS AND TYPOGRAPHIES

Nang magsimula ang CW ng MC1 2012 na Isang Araw, sa tinatawag na cover nakalagay ang pamagat at kabanata ng CW. Ginagawan naman nila ng typogs ang bawat article.

Nang dumating ang MC1 2015, nagsimula na ang paggamit ng banners sa mga mahahabang artikulo. At sa MC 2018, banners na binase sa tema ng publishing night ang ginamit para sa lahat ng literary articles.

Ang bawat banner at typog ay pinag-isipan at ginawa ng Art Directors and Lay-out Artists with much love. No artists were harmed in the making. // by Hannah Manalo

You Might Also Like

0 comments: