beca sinchongco,
Tatlong mag-aaral mula sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang nakapasok sa Top 10 ng InCEthink Bridge Building Competition noong Sabado, Setyempre 10, 2016 sa National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED) sa UP Diliman.
Pumang-anim ang grupo nina Sean Gelera, Michael Catipay, at John Coronado sa nasabing patimpalak. Umabot sa required limit na 35 kg ang kinayang bigat ng kanilang entry. Bukod sa tatlo, lumahok din sina Ashley Turqueza, Justine Mayor, at Eunice Regresado na pawang mula as Grado 9.
“Noong ginagawa yung bridge, nakakakaba kasi 3 hours lang yung ibinigay na time. Noong nalaman kong kinaya ng bridge namin ang 35 kg, natuwa ako at masaya kasi nakuha namin ang required limit,”pagbabahagi ni Gelera.
Taunan nang gawain sa National Civil Engineering Summit ang nabanggit na kompetisyon. Bukas ito sa mga mag-aaral sa high school at layong pag-ibayuhin ang kanilang pagkamalikhain at inobasyon.
Tumanggap ng Php 8,000 ang itinanghal na kampeon. // ni Beca Sinchongco
UPIS pasok sa Top 10 ng Bridge Building Competition

TRIPLE THREAT. Handang handa na ang pangkat nina (mula L-R) John Coronado, Xavier Catipay, at Sean Gelera sa pagsabak sa kompetisyon. Photo credit: UP ACES |

0 comments: