literary,
Sa episode ng Mockumentaryo ngayon, pupunta tayo sa isang makulay na lugar, kung saan may makukulay na gusali, bubong, kalsada, pader, tubig, at hangin. May makukulay na tao na nagsasalita ng makukulay na salita. Nagsusuot ng makukulay na damit at may makukulay na isip. Tinanong namin ang bawat isa: “Ano ba ang wish mo?”
“Ang wish ko ay mangyari ang mga sinabi ni John Lennon sa kantang Imagine.” – isang hippie
“Wish ko lang, sana yumaman ako.” – starting entrepreneur
“Hay. You know my wish ko po is magkaroon ng cool car at imported Havaianas slippers at Apple products and of course, Starbucks, endless supply of it. Yes, ‘yun lang.” – social climber
“Ano ang wish ko? Wish ko na patumbahin ang mapang-aping pasismong rehimen ng kasulukuyang administrasyon.” – makakaliwang aktibista
“Ang wish ko ay mas maraming pondo para sa aming research.” – taong eksperto sa larangan ng agham
“Ano ang aking hiling? Ang hiling ko lamang ay mapansin kami ng gobyerno. Dahil kami’y naghihirap sa bukid pero hindi namin mapaaral ang aming mga anak.” – magsasaka
“Ay, ano ang hiling ko? Ang aking hiling ay mahalin ng mga kabataan ang kanilang nasyong sinilangan at ipagtanggol ito sa mga magsasamantala.” – nasyonalistang aktibista
“Ako? Gusto kong bumilis ang daloy ng trapiko.” – tsuper
“Wish ko lang na bumilis ang internet natin.” – computer shop user
“Wish ko magka-love life.” – forever alone
“Wish ko, sana makapag-move on na ako.” – heartbroken
“Hay, naku! Hiling nang hiling! Kung gusto n’yong makuha ‘yang mga hiling n’yo, kumilos kayo at huwag humiga diyan at tigilan na ang pananaginip habang gising!” – malamang hindi ito millenial
O, di ba? Makulay sila, parang isang box ng krayola: hindi parehong-pareho mag-isip, may mga sariling adyenda, pansariling interes, at iba’t iba ang opinyon at hiling. Bakit mo ba sila huhusgahan kung ano gusto nila? Pero eksepsyon na lamang ang paghiling ng “endless supply ng Starbucks” dahil walang endless, pare/mare. At iyon lang po. Ito ang Mockumentaryo and see you next time!
Literary: Mockumentaryo

0 comments: