buwan ng wika,

Pagtatapos ng Buwan ng Wika 2016 sa UPIS, ipinagdiwang

9/22/2016 08:20:00 PM Media Center 2 Comments



Idinaos ang pagtatapos ng Buwan ng Wika 2016 noong Setyembre 6, mula ika-12 ng tanghali hanggang ika-1 ng hapon sa Auditorium ng University of The Philippines Integrated School (UPIS).

Nagtanghal dito ang mga seksyong nagwagi sa kumpetisyon sa kanilang batch. Isinadula ng 7-Neptune ang kwento ng “Alamat ng Araw at Gabi” na sinundan naman ng 8-Dragonfly sa kanilang pagsasadula ng kwentong Maranao na “Ang Magkakaibigang Hayop.”

Samantala, nagwagi naman ang 9-Calcium sa photography contest na may temang “Wika ng Karunungan at Kamalayang Bayan.”

Itinanghal din ng 10-Yakal ang kanilang piyesa na pinamagatang “Umaga, Tanghali, Gabi” matapos maipanalo ang kauna-unahang spoken word poetry competition sa UPIS.

UNANG KAMPEYON.  Mahusay na ipinamalas ng 10-Yakal ang kanilang pyesa sa araw ng selebrasyon. Sila ang kauna-unahang nagtanghal ng spoken word poetry sa UPIS. Photo credit: Cedric Jacobo


Pinarangalan din ang mga nanalo matapos ang mga presentasyon. Bilang pagtatapos ng programa, nagtanghal ng espesyal na bilang ang spoken word artist na si Ivan Jethro Mella mula sa Betsin-Artparasites. // ni Cedric Jacobo


ERRATUM: 7-Neptune ang nagsadula ng kwento hindi 7-Venus kagaya nang naunang naiulat.

You Might Also Like

2 comments:

  1. Magandang gabi po hehe pero 7-Neptune po 'yung nanalo sa Buwan ng Wika. ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good evening. We have noted the error, and have corrected it. We apologize for the issue on the content of the article. (Forth Soriano, EIC)

      Delete