feature,
Mahal naming mga chinggu~~ ,
Annyeonghaseyo! (ㆁωㆁ*)
Sa panahon ngayon, dumarami na ang tumatangkilik sa Korean Drama o mas kilala sa tawag na K-Drama. May kilala ka bang nakain na ng ganitong sistema? O baka naman nabihag stage pa lang kayo. Tsk. Tsk. (≧▽≦) (>ㅆ<)
May ilan pa ngang mga grupo ng estudyante na nanonood nang sabay-sabay sa laptop ng kapwa nila Koreaboo. Bigla na lang silang magsisigawan at maghahampasan sa sobrang kilig-- ‘yung mga tipong kulang na lang mag-block screening sila at magtatag ng UPIS Korean Fans Club.
Subalit katwiran ng iba, may nakatago umanong dahilan sa kanilang pagkahumaling. Una, masosolb ka raw sa kagwapuhan ng mga oppa o kagandahan ng mga eonnie. Nararamdaman din daw nila ang kilig na ‘di pa nila naranasan sa totoong buhay. Sabi pa nila, may kalaliman at kompleksidad ang mga tauhan dito na ‘di tulad sa mga pangkaraniwang teleserye. Naiba raw ito sa Western films, pagdating sa pagpapahayag ng mga emosyon. Kapag naakit ka na, siguradong mapapasubaybay ka sa interesanteng kwento na para sa lahat ng manunuod. Itanong mo pa kay Gong Yoo!
PAALALA: Inirerekomenda ang sunod na bahagi ng artikulo sa mga kapwa namin Koreaboo. Maghandang ma-convert kung hindi pa ninyo kilala si Lee Min Ho!
Napapahampas ka ba sa kilig kapag naririnig mo ang pangalang Lee Jong-Suk, Kim Woo Bin at Lee Min Ho? Napaiyak ba kayo sa pagtatapos ng Descendants of the Sun, My Love from the Star, at W? Sa mga die-hard fans, alamin kung gaano kayo ka-beterano pagdating sa larangan ng K-Drama.
Level 1: Watcher - Dito nagsisimula ang lahat ng fans. Nanonood sila ng K-drama trailers o commercials na ipapalabas pa lang sa TV. Unti-unti, nagiging curious sila at nagsisimula na silang manood. Sila rin ‘yung nalilito pa sa mga karakter ng palabas kasi para sa mga watcher, magkakamukha silang lahat.
Level 2: Recruit – Alam na nila kung ano ang totoong pangalan ng mga karakter at hinahanap nila ang mga ito sa Google. Siyempre kapag may nakitang gwapong picture ni Lee Jong-suk, diretso ang pag-download o screenshot nila ‘dyan at gagawin pang wallpaper ng cellphone. Nakikipag-away pa nga sila sa mga kaibigan kung pareho nilang wallpaper ang isang aktor. Mahilig din silang mag-abang ng updates at makinig sa Original Soundtracks (OST). ~Aaalmooost paaaradiise!
Level 3: Marathlete/Varsity/Zombies – Sa stage na ito, araw-araw ang pagmamarathon ng K-drama. Madalas na hindi na sila nag-aaral, natutulog, naliligo, at kumakain para lang matapos ang isang serye. Mukha na silang zombies sa laki ng eyebags at para na silang duling sa kababasa ng English subtitles. Kung may sports lang ang pagmamarathon ng K-drama, sila na ang MVP at sila na ang makakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.
Level 4: FilEano – “Annyeonghaseyo!”, “Saranghaeyo”, “Oppa”, “Eonnie”, “Kamsahamnida!” – ganyan na magsalita ang mga chinggu (kaibigan) nating nasa Level 4. Para silang kalahating Pilipino, kalahating Koreano-FilEano. Talagang inaalam nila sa Google kung paano magsalita ng Koreano para hindi na sila maduling kakabasa ng subtitles. Nanood din sila ng youtube videos na “How to be Korean” at iba pa, alang-alang sa paglevel-up.
Level 5: Full-time Korean - Kapag nakita mo sila, mapagkakamalan mo silang Koreano dahil sa mala-Koreanong buhok (may full bangs) at maputi nilang kutis na halatang dinaan sa papaya soap. Pati sa mga mall ay nakabihis Koreano sila! Sila rin ‘yung mga taong araw o gabi man, kimchi ang kinakain. Imposibleng mahanap ang facebook account nila dahil pati pangalan ay naka-Hangugeo. Subukan mo silang alukin ng tiket papuntang Korea; kahit sa North, hindi ‘yan magdadalawang-isip tanggapin!
Ngayon mga chinggu, saang antas na kayo ng K-baliwan? // nina Zach Jugo at Layla Wadi
Pinagkunan ng mga larawan:
http://67.media.tumblr.com/5998354710b77055660c508387ecdcf8/tumblr_nfoumyTNHi1sl7awmo5_1280.png
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/564x/50/bd/7a/50bd7a7c2cc48ab99d6fcd768bd01dcc.jpg
https://media.giphy.com/media/GX7yzYXlqB0e4/giphy-facebook_s.jpg
Source
http://i0.wp.com/www.hellokpop.com/wp-content/uploads/2015/05/1345936147_4of5s3ry_22.jpg?resize=660%2C400
https://i.guim.co.uk/img/static/sys-images/Guardian/Pix/pictures/2013/4/29/1367253942785/Soldiers-of-the-Korean-Pe-008.jpg?w=620&q=55&auto=format&usm=12&fit=max&s=ff547ba016642303a6188e686061b2a4)
Feature: Certified K-drama-natic ka ba?

0 comments: