carlos laderas,
Ang Pep Rally ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng kampanya ng unibersidad sa UAAP Season 79.
Nakilahok ang mga miyembro ng iba’t ibang koponan ng Junior teams ng UP tulad ng volleyball, track and field, swimming, at pep squad.
Dahil sa matinding preparasyon ng mga atleta ng UPIS, naging patok sa mga manonood ang kanilang pagtatanghal. Bumida ang mga lalaking atleta tulad ng mga miyembro ng Track and Field Team na sina Gyles Abac, Christian Pagadora, Dane Jamandron at swimmer na si Kennard Bondal sa kanilang pagtatanghal ng Ignition.
Samantalang nagpasikat naman sina Yanna Reblando, Rain Grimaldo, Suzy Uy, Faith Austria at iba pang babaeng manlalaro sa pagkanta at pagsayaw ng Bangbang. Sa katunayan, umani ng maraming reaksyon at magandang komento sa social media ang pagbirit ni Reblando.
Taon-taon isinasagawa ang UP Pep Rally bilang pangunang gawain sa pagsisimula ng UAAP Season. Isang paraan ito ng unibersidad upang makakuha ng suporta ang mga manlalaro at kani-kanilang koponan mula sa UP Community. // nina Carlos Laderas at Nathan Ramos
Sports: Mga atleta ng UPIS nakiisa at nakisaya sa UP Pep Rally
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakibahagi ang UPIS athletes sa UP Pep Rally noong Agosto 24 sa UP Theater.Ang Pep Rally ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng kampanya ng unibersidad sa UAAP Season 79.
CAN’T STOP THE FEELING. Bigay na bigay sa kanilang unang UP Pep Rally performance ang mga atletang isko at iska ng UPIS. Photo Credit: Jian Arandia Santiago |

0 comments: