beca sinchongco,
Muling isinagawa ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Science Department ang programang Building Excellence in Science Teaching (BEST) noong Setyembre 17 at 24 sa gusali ng UPIS 7-12.
Inilunsad noong 2009, ang BEST ay isang extension program ng Science Department kung saan sinasanay ang mga guro mula sa iba’t ibang paaralan. Nilalayon nitong mahasa ang kanilang mga estratehiya sa pagtuturo at mapalalim ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang paksa sa Agham. Ngayong taon, nakatuon ang nabanggit na programa sa temang Energy in Focus III.
Ang naturang gawain ay dinaluhan ng 40 guro sa elementarya at sekundarya mula sa 11 paaralan sa iba’t ibang probinsya tulad ng Bulacan, Olangapo at La Union.
Ito na ang ikatlong BEST kung saan katuwang ng paaralan ang Phinma Energy Corp., isang kumpanyang nakapokus sa oil and gas exploration at power generation.
// nina Chesca Santiago at Beca Sinchongco
Sci Dept. muling idinaos ang BEST

0 comments: