athousandMCwords,

Literary: Pagpapantig

10/28/2016 09:14:00 PM Media Center 0 Comments






Dalawang salita
Apat na pantig
“MAHAL KITA”
‘yan ang bukambibig.

Sa ilang taon,
Sa mga pinalagpas na pagkakataon,
Sa hindi malaman na rason,
Inilihim mga salitang iyon.

Natatakot na baka,
Hindi pa ngayon ang panahon,
Baka wala lang ding mapala,
Na baka lakas ng loob ay kulang pa.

Ngunit heto,
Pag-ibig ko sa’yo,
Sigurado na ako,
Wala nang atrasan, gagawin ko na ‘to.

Damdamin para sa’yo
Mga titik ay hahayaang umagos sa labi
Uunti-untiing ilabas ang damdaming matagal itinago,
At sisiguraduhing sa wakas; akin nang masasabi

Apat na salita
Pitong  pantig
Buong pusong sasambitin
“Mahal kita noon pa” nais ko’y iyong mabatid.

You Might Also Like

0 comments: