blue flames,

Literary (Submission): Hiling

10/17/2016 07:24:00 PM Media Center 0 Comments






Bakit kasi ganito ang ating turingan,
Kung pwede namang mas higit pa sa nakagisnan
Isip kasi ang pinapaiiral at sinusunod,
Kaya itong puso ko’y nadudurog at sa luha’y nalulunod.

Kay tagal nang may pagtingin,
‘Di kailanman umasa sa mga hiling!
Napaka-imposible kasi na ang bilyun-bilyong mga bituin,
Ang magbibigay ng matagal ko ng mithiin.

Pero habang tumatagal, napagod ako sa paghihintay.
May pag-asa ba ako sa puso mo?
May pag-asa nga bang maging tayo?
Sagot mo’y nais nang malaman.

Ngunit ngayon ko lang napag-isipan,
‘Di ko nga pala natanong ang mga ‘yan...
Pinangunahan nga pala ako ng takot at kaba,
Kaya ngayon ay nagsisisi at nangangamba.

Kasi ngayon ang saya mo sa piling niya
Sa piling ng babaeng sa aki’y nauna-
Kaya heto ako, may luha sa mga mata,
Pero para sa’yo mananatiling masaya.

Hindi ko hangad ang mundo mo’y magulo,
Ikaw ang gusto ko!
‘Yun lang naman ang nais kong sabihin,
Sana ay nakikinig ka sa akin.

Hilingin ko man na ako ang nasa iyong tabi,
Na ako ang dahilan ng iyong mga ngiti,
Na sana tayo ang magkahawak ng kamay,
Na sana hindi na ako umiiyak, nalulumbay.

Pero bali-baliktarin man ang mundo,
Ikaw at ako’y ‘di maaari ngayon.
Kaya hiling ko na lang na ika’y maging maligaya,
Sa piling ng babaeng mas pinili mong makasama.

Sana sa tulang ito’y iyong maramdaman,
Ang pagtingin na pilit kinakalimutan.
Sa tulang ito’y aking hiling na magising sa panaginip
Na tayong dalawa sa isa’t isa’y may damdamin.

You Might Also Like

0 comments: