feast of desolation,
Minsan sa isang gabing matalinhaga
Nakatingala tayo sa mga tala
Sa ilalim ng punong acacia
Ikaw lang ang katabi. Ikaw lang. Walang iba.
Malapit sa isa’t isa, dinig na dinig ang bawat paghinga
Magkalapit nang sobra-sobra, isang lingon lang, kaharap ay labi mo na
Isa kang maningning na bituin
di akalaing ika'y mapapasa’kin
Ikaw ang north star ng aking buhay
Ikaw ang aking gabay
Maligaw man sa ibayong lugar
Mapadpad man kahit saan sa mundo
Sa iyo pa rin tutungo
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong bituin ang nagkarera sa kalangitan
Tatlong kahilingan
Hiniling kong lagi mo akong ngingitian
Hiniling ko na ang iyong labi ay sa labi ko lamang madadampian
Sapagkat sa ‘yong isang ngiti
Lahat ng kalungkuta'y napapawi
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga labi
Sakit ng katawan at puso, poot at galit, ay siyang binabawi
Maningning na mga ngiti
Hinding-hindi mabibili ng kahit anong pilak at salapi
Ang iyong ngiti...
Ang iyong ngiti...
Nakakapagpautal sa ‘kin palagi
Sa aking ikalawang kahilingan
Sana ‘oo’ ang sagot mo sa aking katanungan
“Aaa... Eee... Iii... Ooo... Uuu...
May nais akong ibigay sa ‘yo
Isang lumang relo
Bigay pa sa akin ng lolo
Hi-hindi naman sa cheap ako o kung ano
Pero
Sinisimbolo nito ang oras na ibibigay ko sa ‘yo
Hanggang sa huling hininga, ikaw ang iibigin, irog ko
Nais kong pakasalan mo ako.”
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong segundo
Isang nakakakilabot na hangin ang dumaan, nagdilim ang mundo
Nagtataka kung bakit wala kang kibo.
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong tapik ngunit walang kibo
Tiningnan ang iyong pulso
Negatibo
Hindi ko rin marinig ang paghinga mo
Dali-dali, sa ospital ika’y itinakbo
Nagmamaneho
Tumutulo ang mga luha
Kanina lang ako’y nasa lupa
Ako ngayo’y nasa impyerno
Nasa ospital
Ako'y nagdasal sa Maykapal
Sana bumuti ang ‘yong kalagayan
Subalit ang kalawaka'y nag-alangan
Nang gabing ‘yon, ang aking Hilagang Tala ay nangamoy-kamatayan
Sa mundo ika’y lumisan
Nang gabing iyon kasama ko ang iyong mga magulang, lola, at lolo
Ibinigay sa ‘kin isang sulat mula sa ‘yo
Nakasabi na alam mong mangyayari ito
“Mahal ko,
May sakit ako
Cancer. Walang lunas.
Bilang na ang aking oras
Patawarin mo ako kung ako’y bigla na lang lilisan
Mamamatay na ako pero tuparin mo sana ang aking tatlong huling kahilingan
“Una
Maging masaya ka.
Sige ka, papangit ka. Haha.
Pero kasiyahan mo ang nagpapasaya sa ‘kin kaya sana
Iyang ngiti mo sa libingan ko’y h’wag mong isama
“Ikalawa
H’wag mong kalimutang parati mo akong kasama
Sa hirap, sakit, sa kahit anong problema, sa ginhawa
Humiling ka lang sa ‘kin, ako’ng bahala
‘Pagkat ako ang iyong Tala
“Panghuli,
Ito ang pinakatatandaan mo
Kahit magbago, magunaw pa ang mundo
Ikaw pa rin, ikaw lamang, ang mahal ko
Lubos na nagmamahal,
........”
Ang iyong pangalan di na mabasa
Nag-blur ‘yung tinta ng gel pen dahil sa luha
Luha mo’t luha ko sa sulat nagsama
Ako ulit ay tumingala sa mga tala
Aking ikatlong kahilingan
Sana ika’y bumalik, gusto kitang mahawakan
Kahit saglit lang, tatlong segundo, nais kitang mahagkan
Ipaalam mo lang sa ‘kin na ikaw na’y lilisan
Magpaalam ka lang sa ‘kin nang maayos
*Isa
Dalawa
Tatlo*
Tatlong segundo
Ikaw na’y aking pakakawalan.
Minsan sa isang gabing puno ng alaala
Nakatingala ako sa mga tala
‘Asan ka kaya roon?
Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon.
Sa isip at puso ko, hinding-hindi ka mawawala.
Aking mahal na Tala.
Literary (Submission): Tala

Quite endearing
ReplyDelete