athousandMCwords,

Literary: Patawad

10/28/2016 08:32:00 PM Media Center 0 Comments






Alam ko na alam mo
Ang nais kong sabihin,
Bago ko pa man ito sambitin,
Kaya hindi ko na ito pahahabain,
Simple lang ang nais kong aminin:
“Paumanhin, sana ako’y patawarin
Pagmamahal ko’y ‘di tulad ng sa’yo.”

Batid mong hindi sapat
Ang aking ibinibigay,
Na hindi ito sa iyo nababagay.
Dama mo ang sakit
Na dulot ng pagiging mapagmahal kong tunay
Patawad, kung sa puso ko’y sandaling nawaglit
Ikaw na laging tapat sa akin.

Sa pag-ibig at pagtitiwala
Ako ay may kakulangan
Sana ito’y iyong mapunan
Sapagkat alam kong wala akong kakayanan
Sana ako’y iyong mapakinggan
Ito ang aking tanging kahilingan
Patawad muli dahil sa pagkakasala ko sa iyo.

You Might Also Like

0 comments: