beca sinchongco,
Itinalaga ang bagong scouts ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) nitong buwan ng Oktubre sa Bulwagan 3-6.
Ginanap noong Oktubre 7 ang investiture ng Senior Scouts at Boy Scouts of the Philippines (BSP) samantalang noong Oktubre 14 naman ang sa Girl Scouts of the Philippines (GSP).
Dalawampu’t pitong bagong Senior GSP, 26 na bagong Junior GSP, at 16 na Cadets mula sa Batch 2019 ang itinalaga. Anim na troop leaders naman ang nadagdag upang magsilbing gabay ng scouts. Bilang pagwawakas ay nagtalumpati ang GSP Quezon City board member at investing officer na si Gng. Wayawaya Sabia.
“Masaya ako kasi first time at medyo excited ako sa mga mangyayari. Ineexpect ko po na maganda ang place ng camping at masaya,”pagbabahagi tungkol sa gawain ni Jhia Bartolome na isang bagong GSP.
Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at tagapayo ang pagtatalaga ng Senior at Boy Scouts kung saan 30 bagong Senior Scouts at 21 bagong BSP ang itinalaga. Si G. James Timothy Liwag ng UPIS Batch 2012 ang panauhing pandangal. Isa siya sa mga Eagle Scouts ng UPIS, ang pinakamataas na ranggong maaaring makamit ng isang estudyante sa BSP. Bilang panimulang pagbati naman ay nagtalumpati si Dr. Ronaldo San Jose. Binigyang tuon niya ang mga bagay na dapat taglayin at pagtibayin ng mga Senior at Boy Scouts.
Matapos ang kanilang seremonya, nagkaroon ang Senior Scouts at BSP ng Investiture Camp sa gusali ng 7-12. Nilayon nitong patatagin ang ugnayan sa pagitan ng scouts. // nina Hanzvic Dellomas at Beca Sinchongco
Investiture 2016, idinaos
PANUNUMPA. Sabay-sabay na nanumpa sa harap ng mga manonood ang mga
Junior at Senior Girl Scouts of the Philippines. Photo credit: Beca Sinchongco
|
Itinalaga ang bagong scouts ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) nitong buwan ng Oktubre sa Bulwagan 3-6.
Ginanap noong Oktubre 7 ang investiture ng Senior Scouts at Boy Scouts of the Philippines (BSP) samantalang noong Oktubre 14 naman ang sa Girl Scouts of the Philippines (GSP).
Dalawampu’t pitong bagong Senior GSP, 26 na bagong Junior GSP, at 16 na Cadets mula sa Batch 2019 ang itinalaga. Anim na troop leaders naman ang nadagdag upang magsilbing gabay ng scouts. Bilang pagwawakas ay nagtalumpati ang GSP Quezon City board member at investing officer na si Gng. Wayawaya Sabia.
SA WAKAS. Nakangiting tagumpay ang mga bagong cadets ng Girl Scouts of
the Philippines.
Photo credit: Anne Therese Papa |
“Masaya ako kasi first time at medyo excited ako sa mga mangyayari. Ineexpect ko po na maganda ang place ng camping at masaya,”pagbabahagi tungkol sa gawain ni Jhia Bartolome na isang bagong GSP.
Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at tagapayo ang pagtatalaga ng Senior at Boy Scouts kung saan 30 bagong Senior Scouts at 21 bagong BSP ang itinalaga. Si G. James Timothy Liwag ng UPIS Batch 2012 ang panauhing pandangal. Isa siya sa mga Eagle Scouts ng UPIS, ang pinakamataas na ranggong maaaring makamit ng isang estudyante sa BSP. Bilang panimulang pagbati naman ay nagtalumpati si Dr. Ronaldo San Jose. Binigyang tuon niya ang mga bagay na dapat taglayin at pagtibayin ng mga Senior at Boy Scouts.
LAGING HANDA. Sama-samang sinalubong ng Senior Scouts at Boy Scouts ang
mga bago nitong miyembro.
Photo credit: Hanzvic Dellomas |

0 comments: