carlos laderas,

Sports: UPIS Table Tennis Team, sumabak sa UAAP Season 79

10/27/2016 08:51:00 PM Media Center 0 Comments



ONE TEAM, ONE FIGHT. Nagpakita ng puso at pagkakaisa ang UPIS Table Tennis Team kasama si Coach Melvin Lava sa muli nilang pagsabak sa Season 79 ng UAAP. Photo Credit: Adrian Bornilla

Lumahok sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 79 Table Tennis Competition ang UPIS Junior Maroons Table Tennis Team noong Oktubre 8, 9, 15, at 17 sa Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagle Gym.

Matapos ang apat na buwang paghahanda, buong-pusong sumabak sa laban ng UAAP ang UPIS Table Tennis Team. Sa pangunguna ng seniors ng boys team na sina Raymund Creencia, Fiel Delos Reyes, Jomer Dula, James Ecito, Lamberto Fonseca, Rene Rollon, Blade Saliva at ng team captain ng girls na si Chae Rivera, tinangka nilang higitan ang kanilang ranking noong nakaraang taon.

Sa unang round ng elimination, puso at tapang ang ipinakita nila lalo na sa kanilang laban sa ADMU. Kinapos man sila sa dulo sa score na 2-3, bumawi naman sila sa ikalawang round sa score na 3-2, matapos makuha ni Blade Saliva ang deciding set, 11-8.

Dikit din ang naging laban nila sa De La Salle Zobel (DLSZ) nang habulin ni Jasper Pacis ang set score na 0-2 patungong 3-2. Ngunit ‘di nagpadaig ang defending champions at nasungkit ang panalo sa score na 3-1 pabor sa DLSZ.

Nagpakitang-gilas rin si Pacis matapos ang kanyang “love set performance” kung saan walang naipuntos ang kanyang kalaban mulsa Adamson Falcons subalit kulang pa ito para makasungkit ang team ng isa pang panalo. Natapos ang laro sa score na 1-3.

Nakamit ng kuponan ang ikaanim na puwesto sa overall ranking sa UAAP Season 79. // nina Nathan Ramos at Carlos Laderas

You Might Also Like

0 comments: