athousandMCwords,
Iyan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan, mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa aking utak.
Sa bawat oras na tayo’y magkasama, hinding-hindi mapapantayan ng iba ang saya at ngiti na iyong ibinibigay sa akin. Ang iyong mga matang kumikinang na parang mga bituin, inaakit ang aking paningin. Ikaw ang nakakaintindi sa akin nang lubusan at ikaw rin ang kaibigang aking maasahan. Lagi kang nasa aking tabi tuwing ika’y kailangan. Isa kang tunay na kaibigan pero iba naman ang nakabingwit sa iyong puso.
Sa bawat oras na ako’y sinusukuan, sa bawat panahong ako’y nahihirapan at pagod na sa aking buhay, palagi mong sinasabi upang ‘di ako sumuko:
Higit sa lahat, tumatak sa akin isipan ang sinabi mong:
Ngunit bilang isang kaibigan lang pala ang turing mo sa akin. Kahit ganoon, dahil sa sinabi mo, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa’yo ang tunay kong nararamdaman.
Dumating na ang takdang oras upang ako’y umamin, upang ibahagi sa’yo ang matagal ko ng lihim. Umaasa akong iisa ang itinitibok ng ating puso. Handa akong tanggapin kung ano man ang iyong desisyon.
Inaya kitang mag-usap sa ating tambayan kung saan una tayong nagkakilala. Handang-handa na akong magtapat ng totoo.
Dali – dali kong sinabi, “May importante akong sasabihin sa’yo.”
Biglang nagliwanag ang aking mga mata. Umasa akong aamin ka ng iyong nararamdaman. Pinauna na kitang magsalita.
Umamin ka nga ng nararamdaman pero para naman sa iba. Biglang nadurog ang aking puso. Pinipigilan kong lumuha sa iyong harapan. Kitang-kita sa iyong mga mata kung gaano ka kasaya sa iyong nadarama para kanya. Pero ang ngiting nakikita ko noong sinabi mo iyon, ay ang ngiting pumapatay sa aking puso.
Masakit man pero ginusto kong malaman mo pa rin ang totoo.
Dumating ang iyong kasintahan. Nabaling ang tingin mo sa kanya at bigla mo na lang sinabi,
Iniwan mo akong mag-isa. Iniwan mo akong nasasaktan at hindi ko man lamang nasabing, “Mahal kita.”
Literary: Kaibigan
“Tama bang mahulog ako sa’yo?”
“Ngunit kaibigan kita, pwede ba yun?”
“Bakit bigla na lang nagbago ang lahat at tila napapamahal na ako sa’yo?”
Iyan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan, mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa aking utak.
“Pero, bakit nga ba ako nahuhulog sa’yo?”
Sa bawat oras na ako’y sinusukuan, sa bawat panahong ako’y nahihirapan at pagod na sa aking buhay, palagi mong sinasabi upang ‘di ako sumuko:
“Kaya mo ‘yan.”
“’Wag kang susuko.”
“Maraming nagmamahal sa’yo at isa na ako sa kanila.”
Dumating na ang takdang oras upang ako’y umamin, upang ibahagi sa’yo ang matagal ko ng lihim. Umaasa akong iisa ang itinitibok ng ating puso. Handa akong tanggapin kung ano man ang iyong desisyon.
Inaya kitang mag-usap sa ating tambayan kung saan una tayong nagkakilala. Handang-handa na akong magtapat ng totoo.
Dali – dali kong sinabi, “May importante akong sasabihin sa’yo.”
“Ako rin, may aaminin pala ako sa’yo.”
“Kami na nga pala ng crush ko!”
Masakit man pero ginusto kong malaman mo pa rin ang totoo.
“May aaminin din ako sa’yo. Kahit masaya ka na sa iba, nais ko lang malaman mo na…”
“Pasensya na, sa susunod na lang.”
0 comments: