literary,

Literary (Submission): Budgeting

10/17/2016 07:12:00 PM Media Center 0 Comments






Inihahanda ko na ang lahat
Inihahanda ko na ang sarili
Kailangan ng preparasyon
Dahil lahat ay limitasyon

Kailangan
Kailangan kong alamin
Kung hanggang saan lang ang kakayahan ko
Kung hanggang saan lang ang lakas ko
Nang sa gayo’y malaman
Kung maaari,
Maaari bang maging tayo,
Maaari ba ako para sa ‘yo
Maaari bang malaman kung dapat na maging tayo?

Kailangan ‘di gaano,
Kailangan ‘di masyado
Hindi puede ang sobra
Hindi puede ang kulang
Tamang-tama ang kailangan

Ikaw ang kailangan ko
Ikaw lang sapat na
Hayaan na ang iba
Basta’t kasama kita

Kailangang gugulin ang lahat ng naipon-
lakas, oras, at atensyon,
Para lamang sa ‘yo
Sapagkat ito’y mga naipon na ayaw kong sayangin
Hindi dapat masayang dahil lahat ng ito’y
Nakalaan para sa iyo lamang

Para sa ‘kin, ikaw lang
Para sa ‘kin, sa’yo ko ibubuhos ang lahat
Para sa ‘yo ang lahat ng akin
Sana ganoon ka rin sa akin.

You Might Also Like

0 comments: