faith,

Literary (Submission): Bukang-Liwayway

10/26/2018 08:06:00 PM Media Center 0 Comments




Umaahon na ang ginintuang araw
Hinintay hanggang ito’y sunduin
Sa paggising nitong pagbati at awit,
May bagong umagang sasapit.

Buksan ang iyong mga mata,
Hayaan nang makita
Ang kulay na lalabas mula sa pagtago
Tingnan mo: ang dilaw at abo ay nagtatagpo.

Bawat araw, nangyayari,
Bawat araw, hindi nawawari
Ngunit, ngayon, may pagkakaiba
May nagbabago na pahina

Pagkatapos nito ay mainit na sinag
Sa iyong mukha na nagiging aninag
Gintong mata, kumikinang na tingin
Ngiting totoo, sa iyong tabi, malayo ang aabutin.

At darating sa kabilang dako
Kung saan may ibang tao, ibang puso
Andito rin ang ginintuang medalya
Magkaiba ang una at pangalawa, ngunit iisa ang mensaheng ipinipinta.

You Might Also Like

0 comments: