filipino,

Literary (Submission): Alalahanin

10/26/2018 08:20:00 PM Media Center 0 Comments




Mayroon
Laging mayroon.

Nakaupo nang tahimik, mukha’y blangko
Nang biglang
Ngumiti, tila isang ilaw na lumiliwanag.
Pumasok ang sinag ng araw,
Ang musika sa tainga,
Ang preskong hangin sa iyong ilong.

Ang mga nakamamangha,
Nakaiigting ng apoy,
Nakapanluluwag ng mga baga
Na mga posibilidad
Ay nandito na.

Matanto ang lahat ng magagawa
Ang maaaring gawin
At maaaring marating;
Ang mga taong ating makikilala,
Mga lugar na mapupuntahan.
Kay rami, kay rami!

Tatlong daan at animnapu’t limang araw
Tatlong daan, animnapu’t limang pagkakataon
Kay raming magagawa!

Ang nagagalak na tibok ng puso,
ang musikang iyong tutugtugin,
ang sinag na iyong dadalhin--
Ang boses na sumisigaw!

Mayroon
Laging mayroon!

You Might Also Like

0 comments: