filipino,

Literary (Submission): Tahimik

10/26/2018 08:46:00 PM Media Center 0 Comments




Tahimik
Ang bawat sandali
Madilim
At walang makita

Walang umiimik
Sa ating dalawa
Tahimik ang paligid
Ngunit isipa’y puno ng salita

Inayos ang mga iniisip
Tinanggal ang mga buhol
Ngunit pagbukas ng bibig
Mga salita’y paputol-putol

Sa loob ng ilang minuto
Lumipas ang magpakailanman
Sinong mag-aakalang
Nakabibingi ang katahimikan

Nang ika'y nagbukas ng bibig
At binitawan ang mga salita
Nabasag ang katahimikang
Bumabalot sa ating dalawa

"Hindi ka para sa akin
Hindi ko na kaya
Naglaho na ang dating
Nakikita natin sa isa't isa"

Sinubukang muling magsalita
Sinubukang magpaliwanag
Sinubukang mangatwiran
Sinubukang humingi ng tawad

Ngunit ika'y nakatalikod na
At naglalakad papalayo
Iniwan ang lahat--
Mga alaala, at mga pangako natin

Pilit na kinakalimutan
Ang bawat pinagsamahan
Pero di ko kayang iwanan
Nang simbilis ng iyong paglisan

Ako ba'y manghihinayang
O ika'y pipigilan
Mga masasayang alaalang
Nasa aking isipan

Ngunit sino ba ako
Para ika'y tutulan
Kung iyong paglisan
Ay ang iyong kaligayahan

Aking pipiliin
Ang sariling kalungkutan
Makita ka lamang
Na may angking kasiyahan

Nandito lang ako
Kung saan mo ako iniwan
Umiiyak, humihikbi
Nag-iisip, natutulala
Tahimik na muli ang bawat sandali
Madilim na muli at walang makita

You Might Also Like

0 comments: