elane madrilejo,
Shake, rattle, and roll.
Tatlong salitang Ingles na tumatak na sa mga Pilipino matapos maging titulo ng isa sa mga pinakakilalang horror na pelikula sa bansa. Ang Shake, Rattle, and Roll ay unang ipinalabas noong 1984 sa direksyon nina Emmanuel Borlaza, Ishmael Bernal, at Peque Gallaga. Kumpara sa isang pangkaraniwang horror movie ay kakaiba ang naging atake nito. Sa halip na isa ay tatlong magkakaiba at nakakatakot na istorya ang itinampok na iba-iba rin ang mga bidang artista sa bawat isa. Agad itong pumatok sa mga manonood kaya naman sa loob ng 30 taon ay 14 na pelikula ang sumunod dito. Madalas itong lumabas sa mga sinehan tuwing buwan ng Disyembre at sa telebisyon naman tuwing malapit na ang Undas. Kaya naman hindi maikakailang marami na ang mga naging masugid na tagasubaybay nito.
Sa loob ng buong 15 paglabas ng Shake, Rattle, and Roll ay 45 maiikling istorya ang kanilang naibahagi sa masa. Sa mga kuwentong ito, hindi naman lahat ay masasabing maganda na tatatak sa madla. Ngunit mayroon din namang hindi makakalimutan dahil sa kalidad ng kuwento at kahindik-hindik na karanasang ipinaranas ng mga ito sa mga manonood. Dahil panahon ng katatakutan ngayong papasok ang Nobyembre, balikan natin ang ilang umangat mula sa ibang mga istorya ng Shake, Rattle, and Roll movies na talaga namang nag-iwan ng marka sa isip ng mga Pilipino.
Isang kuwento mula sa Shake, Rattle, and Roll XIV, ang “Pamana” ay tungkol sa apat na magpipinsan na nabalitaan ang tungkol sa pamanang iniwan ng kanilang lolo na isang tanyag na manunulat ng komiks bago pumanaw. Kalaunan ay nabuhay ang mga gawa ng lolo at sila na ang nagsilbing kalaban ng mga bida at buhay ang kapalit kung sila’y di magtatagumpay.
Nabibigyang-pansin ng kuwento ang napakahusay na talento ng mga Pilipino sa larangan ng pagguhit. Hindi ito masyadong pinahahalagahan lalo na ang komiks, partikular na ang horror comics. Espesyal ang mga artista ng genre na ito sapagkat napagkakasya nila sa pagkaliit-liit na espasyo ang imahen na tumatatak at nagpapasindak sa mga tao.
Dagdag pa, nagbibigay-liwanag din ito sa isa sa mga hindi magandang ugali ng mga Pilipino—ang pagiging oportunista sa kapamilya. Naging gawi na ng mga Pilipino na sa tuwing may kapamilyang makakaabot ng tagumpay o mabuting estado sa buhay, kahit malayong kamag-anak ito, sila'y manghihingi na tila ba may utang na loob ang malayong kaanak o responsibilidad niya ang pagbuhay sa kaniyang kaangkan.
Mula sa Shake, Rattle, and Roll XIII, kuwento ito ng isang plastic factory owner na aksidenteng nakapatay ng youth workers dulot ng pagbaha sa nakakandado nilang tulugan sa loob ng pagawaan.
Nagbibigay-atensyon ang kuwentong ito sa ilang malalaking problema na hinaharap natin hanggang ngayon. Isa na rito ang child labor na nananamantala ng kabataan na dapat ay inaalagaan. Nag-aaral at nagsasaya dapat sila ngunit pinahihirapan kapalit ang kakarampot na bayad. Walang ring mga benepisyo ang mga empleyado at bihira rin ang mabuting trato sa kanila.
Maganda rin ang paggamit ng plastic factory bilang isang elemento sa istorya. Nagtatawag ito ng pansin sa pagsasawalang-bahala ng bansa natin ukol sa polusyon at kakulangan ng pagpaplano sa tamang resource management at sa posibleng epekto ng patuloy na paggawa ng non-biodegradable na produkto tulad ng plastik. Hinihiling nito ang ating aksyon ukol sa estado ng kalikasan ngayon na tayo rin naman ang naaapektuhan tulad ng mga trahedyang idinudulot ng mga pagguho ng lupa at agarang pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan.
Ang “Ahas” ay mula sa Shake, Rattle, and Roll XV, kakaiba sapagkat hindi man ito nakakatakot, nakakaaliw naman ang istorya nito. Umikot ito sa kuwentong ang anak ng may-ari ng isang tanyag na shopping mall ay may kakambal na halimaw na ahas. Ang ahas na ito ay nakatira sa ilalim ng gusali at sinasabing kumakain ng mga taong pumapasok sa isang natatanging dressing room.
Tiyak na tatatak ito sa mga manonood sapagkat halatang nakabase ito isang kilalang urban legend tungkol din sa isang sikat na mall sa bansa. Ilang dekada nang umiikot ang usap-usapang ito at sa muling pagkakalahad nito ay maaalala ulit ito ng ilan at ibabahagi sa mga hindi pa nakakaalam. Bukod sa mga tradisyunal na halimaw sa kulturang Pilipino ay nakatutuwang ginawan nila ng istorya ang ibang nilalang na bago ngunit pamilyar sa karamihan ng mga tao.
Mula sa pang-anim na installment, ang “Ang Telebisyon” ay tungkol sa isang pitong taong gulang na batang babaeng mahilig manood ng isang programa. Tuwing nag-aaway ang kaniyang mga magulang ay ibinabaling niya ang kaniyang atensyon sa isang payasong kaniyang napapanood sa TV. Hanggang sa isang gabi, napansin ng batang tila tinitingnan na siya nang diretso ng payaso mula sa kabilang bahagi ng screen at niyayayang sumama sa rito sa loob ng telebisyon.
Nakakakilabot ang itsura ng payaso, ngunit higit na nakapanghihilakbot ang sitwasyon ng paslit. Dahil sa kaabalahan ng mga magulang, madalas na naiiwang mag-isang nanonood ang mga bata at sa oras na kailanganin nila ng tulong o sila ay may tanong ay wala silang malapitan kaagad. Maaaring ang pelikula ay nais manakot ngunit dapat pa ring ikonsidera ang aral nito: kailangang bantayan ng mga nakakatanda ang mga bata sa kanilang pinapanood o ginagawa upang masigurong walang mangyayaring masama sa kanila.
Ito na marahil ang isa sa mga pinakanaaalala at pinakapaboritong istorya ng mga sumusubaybay sa Shake, Rattle, and Roll. Ang huling kuwento sa ikawalong pelikula, tungkol ito sa 13 taong nakasakay sa huling biyahe ng LRT. Nagulat sila nang napunta ang tren sa ibang istasyon at biglang tumirik. Napansin nilang nahiwalay na ang bagon na sinasakyan nila at wala na silang drayber na kasama. Sarado na ang buong istasyon at tila may nilalang na isa-isang kumukuha sa mga kasamahan nila. Habang palalim nang palalim ang gabi ay sinusubukan lamang nilang makatakas at makaalis mula sa istasyon sa pag-asang makahingi sila ng tulong laban sa halimaw na humahabol sa kanila.
Sa lahat ng naging kuwento ng Shake, Rattle, and Roll ay talagang tatatak ang “LRT” dahil sa nakakatakot na istorya at sa nakakabiglang rebelasyon sa dulo. Kahit na mayroon ka nang kutob sa maaaring mangyari sa dulo ay magugulat ka pa rin sa kahihinatnan nito. Nagbigay ito ng impresyon ng pagiging ligtas dahil may kasama ka nang awtoridad ngunit sa huli ay bibiguin ka lamang pala nito.
Ang Shake, Rattle, and Roll ay hindi lamang isang sikat na horror movie anthology series, isa rin itong magandang salamin upang mas makilala ang ating kultura, mga pamahiin, at ang mga isyung dapat nating pag-usapan at solusyonan. Sa susunod na manonood ng isang nakakatakot na pelikula, subukan din nating intindihin pa ito nang mas malalim nang hindi lamang tayo nakatunganga at nag-aabang ng nakagugulat na hiyaw o nakasisindak na mukha.//nina Elane Madrilejo at Storm Gatchalian
//
Feature: Paboritong Panakot: Shake, Rattle and Roll
Photo Source: Athena Productions
(https://youtu.be/UwTzRSwGkHQ)
|
Shake, rattle, and roll.
Tatlong salitang Ingles na tumatak na sa mga Pilipino matapos maging titulo ng isa sa mga pinakakilalang horror na pelikula sa bansa. Ang Shake, Rattle, and Roll ay unang ipinalabas noong 1984 sa direksyon nina Emmanuel Borlaza, Ishmael Bernal, at Peque Gallaga. Kumpara sa isang pangkaraniwang horror movie ay kakaiba ang naging atake nito. Sa halip na isa ay tatlong magkakaiba at nakakatakot na istorya ang itinampok na iba-iba rin ang mga bidang artista sa bawat isa. Agad itong pumatok sa mga manonood kaya naman sa loob ng 30 taon ay 14 na pelikula ang sumunod dito. Madalas itong lumabas sa mga sinehan tuwing buwan ng Disyembre at sa telebisyon naman tuwing malapit na ang Undas. Kaya naman hindi maikakailang marami na ang mga naging masugid na tagasubaybay nito.
Sa loob ng buong 15 paglabas ng Shake, Rattle, and Roll ay 45 maiikling istorya ang kanilang naibahagi sa masa. Sa mga kuwentong ito, hindi naman lahat ay masasabing maganda na tatatak sa madla. Ngunit mayroon din namang hindi makakalimutan dahil sa kalidad ng kuwento at kahindik-hindik na karanasang ipinaranas ng mga ito sa mga manonood. Dahil panahon ng katatakutan ngayong papasok ang Nobyembre, balikan natin ang ilang umangat mula sa ibang mga istorya ng Shake, Rattle, and Roll movies na talaga namang nag-iwan ng marka sa isip ng mga Pilipino.
Photo Source: Regal Films (https://youtu.be/qROHZJ2O6eg)
|
Isang kuwento mula sa Shake, Rattle, and Roll XIV, ang “Pamana” ay tungkol sa apat na magpipinsan na nabalitaan ang tungkol sa pamanang iniwan ng kanilang lolo na isang tanyag na manunulat ng komiks bago pumanaw. Kalaunan ay nabuhay ang mga gawa ng lolo at sila na ang nagsilbing kalaban ng mga bida at buhay ang kapalit kung sila’y di magtatagumpay.
Nabibigyang-pansin ng kuwento ang napakahusay na talento ng mga Pilipino sa larangan ng pagguhit. Hindi ito masyadong pinahahalagahan lalo na ang komiks, partikular na ang horror comics. Espesyal ang mga artista ng genre na ito sapagkat napagkakasya nila sa pagkaliit-liit na espasyo ang imahen na tumatatak at nagpapasindak sa mga tao.
Dagdag pa, nagbibigay-liwanag din ito sa isa sa mga hindi magandang ugali ng mga Pilipino—ang pagiging oportunista sa kapamilya. Naging gawi na ng mga Pilipino na sa tuwing may kapamilyang makakaabot ng tagumpay o mabuting estado sa buhay, kahit malayong kamag-anak ito, sila'y manghihingi na tila ba may utang na loob ang malayong kaanak o responsibilidad niya ang pagbuhay sa kaniyang kaangkan.
Photo Source: Regal Films (https://youtu.be/aaEL6h8MREA) |
Nagbibigay-atensyon ang kuwentong ito sa ilang malalaking problema na hinaharap natin hanggang ngayon. Isa na rito ang child labor na nananamantala ng kabataan na dapat ay inaalagaan. Nag-aaral at nagsasaya dapat sila ngunit pinahihirapan kapalit ang kakarampot na bayad. Walang ring mga benepisyo ang mga empleyado at bihira rin ang mabuting trato sa kanila.
Maganda rin ang paggamit ng plastic factory bilang isang elemento sa istorya. Nagtatawag ito ng pansin sa pagsasawalang-bahala ng bansa natin ukol sa polusyon at kakulangan ng pagpaplano sa tamang resource management at sa posibleng epekto ng patuloy na paggawa ng non-biodegradable na produkto tulad ng plastik. Hinihiling nito ang ating aksyon ukol sa estado ng kalikasan ngayon na tayo rin naman ang naaapektuhan tulad ng mga trahedyang idinudulot ng mga pagguho ng lupa at agarang pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan.
Photo Source: Regal Films (https://youtu.be/dDAYkzQ6oX0) |
Tiyak na tatatak ito sa mga manonood sapagkat halatang nakabase ito isang kilalang urban legend tungkol din sa isang sikat na mall sa bansa. Ilang dekada nang umiikot ang usap-usapang ito at sa muling pagkakalahad nito ay maaalala ulit ito ng ilan at ibabahagi sa mga hindi pa nakakaalam. Bukod sa mga tradisyunal na halimaw sa kulturang Pilipino ay nakatutuwang ginawan nila ng istorya ang ibang nilalang na bago ngunit pamilyar sa karamihan ng mga tao.
Photo Source: Regal Films (https://www.youtube.com/watch?v=LhcClP-Ho9g&t=866s)
|
Mula sa pang-anim na installment, ang “Ang Telebisyon” ay tungkol sa isang pitong taong gulang na batang babaeng mahilig manood ng isang programa. Tuwing nag-aaway ang kaniyang mga magulang ay ibinabaling niya ang kaniyang atensyon sa isang payasong kaniyang napapanood sa TV. Hanggang sa isang gabi, napansin ng batang tila tinitingnan na siya nang diretso ng payaso mula sa kabilang bahagi ng screen at niyayayang sumama sa rito sa loob ng telebisyon.
Nakakakilabot ang itsura ng payaso, ngunit higit na nakapanghihilakbot ang sitwasyon ng paslit. Dahil sa kaabalahan ng mga magulang, madalas na naiiwang mag-isang nanonood ang mga bata at sa oras na kailanganin nila ng tulong o sila ay may tanong ay wala silang malapitan kaagad. Maaaring ang pelikula ay nais manakot ngunit dapat pa ring ikonsidera ang aral nito: kailangang bantayan ng mga nakakatanda ang mga bata sa kanilang pinapanood o ginagawa upang masigurong walang mangyayaring masama sa kanila.
Photo Source: Regal Films (https://www.youtube.com/watch?v=QoVFHJveBKw) |

0 comments: