cherry,

Literary (Submission): Kababata

10/26/2018 08:23:00 PM Media Center 0 Comments




Simula’t sapul, ikaw na ang kasama
Lagi mo na lang akong pinapasaya
Mga ngiti na hindi ko maipinta,
Saya natin na hindi ko maiwika

Sinabi mong hindi dapat kalimutan
Pangakong tayo ang magsasakatuparan
Mga pangarap nating sinisimulan
Na iginuhit sa ating kapalaran

Dumating ang panahong ika’y lumisan
At tila naiwan ako sa kawalan
Nang lumipat ka sa ibang eskuwelahan
Bitbit ang ating mga pinagsamahan

May mga araw na ako’y nalulugmok
Kababata ko sa isipa’y pumasok,
Dalangin ko sana huwag maghimutok
Sana pinagsamaha’y hindi nabulok

Darating ang araw ika’y makikita
Tayong dalawa ay naging matibay,
Pangarap natin ay naging matagumpay
Hanggang sa muli, mahal kong kababata

You Might Also Like

0 comments: