blooo,

Literary (Submission): Unang Pag-ibig

10/26/2018 08:29:00 PM Media Center 0 Comments




Tuwang-tuwa nang ika'y makilala
Mundo ko'y tumigil bigla.
Nahulog ang aking damdamin
Nang ako'y iyong pinansin.

Ikaw ang aking pinangarap
Natutuwa't kinikilig tuwing ika'y nakakausap.
Nang malaman ko na ika'y sa ’kin nagkakagusto
Tila umulan ng kasiyahan sa aking mundo.

Nang ika'y mapasaakin
Natupad ang aking pinapanalangin.
No’ng una, ako'y nahihiya
Ngunit unti-unting nawala tuwing tayo'y magkasama.

Minahal kita nang tunay
Dahil ikaw ang nagbigay-kulay sa aking buhay.
Ngunit nang tumagal ang panahon
Ika'y gumawa ng masakit na desisyon.

Ang matagal nating pinagsamahan
Nawala, nang ako'y iyong iwanan.
Puso ko ay iyong sinira
Pagmamahal ko sa ‘yo'y iyong binalewala.

Ang siyang dating nagpapasaya sa akin
Siya ring dumurog sa aking damdamin.
Pag-ibig na inakala'y walang hanggan
Nagkaroon din ng masakit na katapusan.

No’ng una, akala ko ikaw ang may problema
Pero sa dulo ako ang nagkasala.
Inaamin ko na ako ang may kasalanan
Pag-ibig natin di ko man lang naipaglaban.

Hanggang ngayon puso’y lumuluha
Patuloy na nagdurusa.
Ako'y naghanap ng iba,
Ngunit ang puso't damdamin ko'y sa ‘yo pa rin napupunta.

Sana nga maibalik ang dati
Dahil hanggang ngayon, ako ay nagsisisi.
Mahal pa rin kita
Sana'y iyong mapansin at makita.

You Might Also Like

0 comments: