drenisse moleta,
Noong taong 2015, ipinalabas sa sinehan ang pelikulang Heneral Luna na siyang nagpakilala sa mundo ng isang kahanga-hangang heneral, si Antonio Luna na nagtanggol sa ating bansa. Ngayong 2018, nasundan ito ng isa pang pelikula na nagtatampok ng isang batang heneral na si Gregorio “Goyo” Del Pilar.
Ang mga pelikulang ito ay parehong tungkol sa naging buhay ng mga pinuno ng hukbo na ipinaglaban ang kanilang pinaniniwalaan hanggang sa kanilang huling hininga. Ngunit kung ang Heneral Luna ay nakatuon sa konsepto ng nasyonalismo at kung ano ang kahalagahan nito, ang Goyo: Ang Batang Heneral naman ay umiikot sa konsepto ng pagkabayani, kung ano ang tunay na kahulugan nito.
“Ano ba ang halaga ng isang bayani? Ano ba ang nasa likod ng kadakilaan? Bakit pirmi tayong nakatingala? Sumasamba nang walang pagdududa? Bakit lagi tayong bulag na umaasa sa mga tagapagligtas?”
–Joven Hernando (ginampanan ni Arron Villafor)
Ito ay isa sa mga linyang malinaw na tumutukoy sa tema ng pelikula: “Paano ba nasasabing bayani ang isang tao?” Sinasalamin ng pahayag na ito ang pagkakaiba ng ideya ng karamihan ng mga Pilipino sa kabayanihan kumpara sa kung ano ba talaga ang totoong depinisyon nito. Sa pelikula, binigyang-pokus hindi lamang kung paano masasabing bayani ang isang tao, kundi ipinakita rin kung ano ang kahihinatnan ng tao matapos maging bayani.
Nagsimula ang istorya sa pagiging ganap na bayani ni Goyo sa mata ng mga mamamayang Pilipino dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano at pagiging isang heneral sa edad lamang na 23. Dahil dito, kabi-kabila ang mga pista at pagpupugay ng mga tao bilang pagkilala sa kaniya. Napakaraming babae rin ang nahumaling sa heneral dahil sa kaniyang angking tindig at matatamis na salita.
Sa taglay ni Goyo na katanyagan, karangalan, at kagitingan, makikitang ang bayani ay nagsimula nang masilaw. Mas lumitaw ang mga batang katangian niya: pilyo, mahilig sa babae, at palainom. Ngunit, kasabay ng paglilibang niya ay binabagabag din siya ng multo ng kaniyang mga karanasan sa giyera na siyang gumugulo sa kaniyang isipan. Unti-unti siyang nagdududa sa kaniyang mga ginagawa ukol sa paglaban para sa kalayaan ng Inang Bayan.
“Gusto ko lang maalala uli na may pinaglalaban tayo. Ito na lang ba lagi ang gagawin natin? Panay sayawan at pista? Puro romansa’t panunuyo? Totoong tahimik ang mga nakaraang buwan... Pero ayokong makalimot. Ayokong magbulag-bulagan.”
–Joven Hernando
Lahat ay kinain ng katahimikan at nabulag sa kasalukuyan. Lahat ng tinatamasa ay naging dahilan upang makalimot sa kung ano ang kinakaharap ng bayan. Hindi lamang si Gregorio Del Pilar, ngunit ang karamihan ay nakaligtaan na ang tungkulin at prinsipyo na kanilang ipinaglalaban.
Ipinakita sa pelikula ang unti-unting pagbagsak ng isang bayani. Ang isang hinahangaan, tanyag, at magiting na tagapagligtas ay nagiging isang hamak na ordinaryong tao na lamang; nagkakamali, nalilito, at hindi na alam ang kaniyang ipinaglalaban. Hinahayaan ng pelikula na mag-isip at humusga ang mga manonood kung maituturing pa nga bang bayani ang isang kagaya ni Goyo.
“Kaya na ba ng mga Pilipino na marinig ang katotohanan nang hindi mapipikon?”
–Apolinario Mabini (ginampanan ni Epy Quizon)
Maaaring ito na ang linya na makapagbubuod sa nais iparating ng pelikula sa mga Pilipinong manonood nito. Mula sa mga nangyari sa buhay ni Goyo hanggang sa mga naging kaganapang pampulitika sa bansa, hindi nag-atubili ang pelikula na ipakita ang hindi inaasahan at nakalimutang katotohanang matagal nang bumabagabag sa mga Pilipino. Sa halip na isang pelikula na nakasentro sa pagpuri ng isang heneral, mas pinili nitong ibida ang isang “bata” sa likod ng mataas na ranggo. Ayon nga sa sinabi ng direktor, “isang bayani na naging tao.”
Ang pelikula ay nagpapakita ng mga tunay na nangyari sa kasaysayan. Nagpapaisip ito sa mga manonood kung paanong ang mahahalagang detalye ay naisantabi na lamang at ang iba’y nakalimutan na. Ang mga katotohanang kanilang inilatag ay upang ipaalala sa mga Pilipino ang nangyari sa nakaraan nang hindi na maulit pa ang mga pagkakamali noon sa kasalukuyan at sa hinaharap.//nina Elane Madrilejo at Drenisse Moleta
Feature: Goyo: Ang katotohanan sa likod ng isang bayani
Photo Source: TBA Productions
|

PABORITO KO ITONG MOVIE HUHU THANK YOU SA ARTICLE
ReplyDelete