erika sasazawa,
Parte na ng ating kultura bilang mga Pilipino ang napakaraming pamahiin na nararapat nating sundin. Hindi ito nalilimitahan sa kung paano tayo sa pang-araw-araw nating buhay kundi pati na rin sa ating mga gawi tuwing may okasyon, pagdiriwang, o paggunitang nagaganap. Madalas itong napapasa mula sa matatanda papunta sa mga mas batang henerasyon at hindi maikakailang naging bahagi na ito ng ating mga tradisyon.
Ngayong mga Araw ng Santo at Kaluluwa, isa-isahin natin ang mga kilalang pamahiin na kailangang sundin kapag may burol o libing.
Sa tuwing ikaw ay bibisita sa burol, ikaw ay aanyayahang kumuha ng pagkain na inihanda ng namatayan. Kadalasan sopas, minsan biskuwit. Meron ding kendi at siyempre may inumin. Pero kailangan mong tandaan na bawal kang mag-uwi ng kahit ano sa isisilbi nila sa ’yo. Ang lahat ay kailangan mong maubos doon sa pinangyarihan ng burol dahil kung ikaw ay magdadala ng pagkain palabas, may susunod sa yumao.
Kung ikaw ay dadalaw sa patay, nararapat lang na pagkatapos nito ay huwag ka munang umuwi. Sinasabi kasi ng matatanda na kailangan mo munang iligaw ang kaluluwa ng yumao. Maglakwatsa ka muna, mag-ikot-ikot, basta huwag ka munang didiretso sa bahay dahil baka raw doon na mamalagi ang kaluluwa.
Kung ikaw naman ay kasama sa namatayan at ang mga dumalaw upang gumunita sa yumaong kaluluwa ay kailangan nang umuwi, bawal mo silang ihatid palabas sa pinangyayarihan ng burol dahil para mo na rin daw iniwan ang kaluluwa.
Kahit ikaw ay nagdadalamhati, hindi raw puwedeng iyakan ang kabaong. Hindi magandang bagay kapag natuluan ng luha ang huling himlayan ng yumao dahil hindi raw matatahimik ang kaniyang kaluluwa. Baka raw mahirapan siya sa pagtawid sa kabilang buhay.
Kapag ililibing na ang bangkay, kailangang itawid ang pinakabatang miyembro ng pamilya paibabaw sa kabaong. Kadalasan kasi ay nagkakasakit daw ang mga bata kapag may namatay at may pangamba pang baka sumunod sila sa yumao. Dapat itong gawin upang hindi bangungutin ang mga bata at matahimik ang kaluluwa at hindi na muli pang dumalaw.
Kung mayroon ka mang marinig na mga padyak ng paa ngunit wala kang makitang pinanggagalingan nito, siguradong ito ay nagmula sa kaluluwa ng yumao kung siya'y inilibing nang may suot na sapatos.
Ang galaw sa pagwawalis ay naihahalintulad sa pagtataboy. Kaya naman sinasabi na ang pagwawalis sa lamay ay katumbas na rin ng pagpapaalis sa kaluluwa ng yumao.
Ang paghahagis ng barya sa karo ay nakagawian lalo na noong marami pang nagsasagawa ng pagmamartsa mula sa simbahan hanggang sa sementeryo kung saan ililibing ang bangkay. Ang mga inihagis daw na barya ng mga napadaan sa may prusisyon ay gagamitin ng yumao para sa kaniyang pamasahe tungo sa kabilang buhay.
Pinaniniwalaan na kapag nagpumilit pa ring pumasok ulit ang isang tao, may susunod na mamamatay sa pamilya ng inilibing. Kaya kung may naiwan ka man sa loob ng bahay, makisuyo ka na lang sa mga taong nasa loob upang hindi kayo malasin.
Habang nasa burol, buong magdamag dapat na may gising na babantay sa kabaong. Kung hindi, kukunin daw ng aswang ang katawan ng yumao at papalitan ng katawan ng puno ng saging. Subalit hindi mapapansin ng mga titingin sa bangkay ang pagpapalit dahil ang makikita pa rin ng mga mata ng tao ay ang itsura ng yumao.
Minsa’y hindi mo talaga matanto ang ibig sabihin ng mga pamahiing ito. Mahirap maarok kung paano sila nagsimula o kung paano ba sila gumagana. Tandaan natin na sa huli, darating din tayo sa yugtong ito, kaya ipakita natin sa mga kaluluwa ang tamang mga asal na nais din nating matanggap sa hinaharap. Maraming kultura ang naniniwala sa mga bagay o pangyayari na lagpas sa mga materyal o pisikal na mundong ating nakikita o nasasalat. Mainam na sundin pa rin natin ang mga pamahiing ito dahil bukod sa ngalan ng tradisyon, ang respeto ay dapat na malawakang ibinibigay sa sinuman o anuman, kahit ano pa ang anyo nila. //nina Wenona Catubig at Erika Sasazawa
Feature: Mga Babala't Paalala nina Lolo't Lola

Photo Source: https://blog.fotor.com/moon-photography-14-tips-for-better-moon-photos/ |
Sa tuwing ikaw ay bibisita sa burol, ikaw ay aanyayahang kumuha ng pagkain na inihanda ng namatayan. Kadalasan sopas, minsan biskuwit. Meron ding kendi at siyempre may inumin. Pero kailangan mong tandaan na bawal kang mag-uwi ng kahit ano sa isisilbi nila sa ’yo. Ang lahat ay kailangan mong maubos doon sa pinangyarihan ng burol dahil kung ikaw ay magdadala ng pagkain palabas, may susunod sa yumao.
Photo Source: https://scene360.com/art/94895/christopher-mckenney/ |
Kung ikaw ay dadalaw sa patay, nararapat lang na pagkatapos nito ay huwag ka munang umuwi. Sinasabi kasi ng matatanda na kailangan mo munang iligaw ang kaluluwa ng yumao. Maglakwatsa ka muna, mag-ikot-ikot, basta huwag ka munang didiretso sa bahay dahil baka raw doon na mamalagi ang kaluluwa.
Photo Source: https://sr.wikipedia.org/sr/Датотека:Lychakiv_Cemetery_(Lviv).JPG |

0 comments: