drenisse moleta,
Dumalo ang mga estudyante ng Grado 12 (Batch 2019) sa Gender Sensitivity and Anti-Sexual Harassment Seminar noong Oktubre 2 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) Audio-Visual Room (AVR).
Idinaos ang seminar na ito sa pangunguna ng UP Diliman Gender Office upang ipaalam sa mga estudyante ang tungkol sa kasarian, kasaysayan ng mga isyung pangkasarian, at mga batas laban sa sexual harassment.
Pinangunahan ito nina G. Donn Gaba, Asst. Prof. Kevin Mark Gomez, Bb. Kristel May Magdaraog, at Bb. Prescilla Tulipat. Tinalakay nila ang tungkol sa pagkilala sa iba’t ibang oryentasyong pangkasarian, kasaysayan nito sa Pilipinas, mga batas na sumasaklaw sa kasarian, at mga polisiya ng unibersidad kontra sa sexual harassment.
Ayon kay Prop. Rachel Ramirez, ang Assistant Principal for Academic Programs, isinasagawa ang seminar sa lahat ng yunit sa unibersidad upang magpalaganap ng kaalaman at malabanan ang diskriminasyon at sexual harassment. Dagdag pa niya, isa na rin itong paghahanda ng mga estudyante ng Grado 12 para sa kanilang internship upang maging handa at maalam sila sa kung ano ang kanilang gagawin sakaling harapin nila ito sa kani-kanilang internship site.
Sumailalim na rin sa parehong seminar ang mga miyembro ng faculty at administrative staff ng UPIS noong Setyembre. Pinaplano ng paaralan na mas pa marami ang lumahok sa naturang seminar upang maging mulat sa mga isyung pangkasarian. // nina Rain Grimaldo, Elane Madrilejo, at Drenisse Moleta
Grado 12, lumahok sa Gender Sensitivity and Anti-Sexual Harassment Seminar
SERTIPIKO. Binigyang-pagkilala ng mga guro ng UPIS sina Bb. Tulipat at Bb. Magdaraog na dalawa sa mga panauhing nagbahagi ng kanilang kaalaman sa ginanap na seminar. Photo Credit: Drenisse Moleta
|

0 comments: