jasmine esguerra,
Nagwagi ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons sa kanilang laban sa Sulit.ph Breakdown Basketball Invitational Tournament (U19) kontra sa City of Malabon University (CMU) Basketball Team noong Setyembre 22 sa Ateneo Moro Lorenzo Gym, Katipunan Avenue.
Maganda ang simula ng Maroons nang magpaulan ng jump shots sina Carl Condalor at Jacob Estrera. Ito ang dahilan para makalamang sila agad sa unang kuwarter na nagtapos sa iskor na 13-10.
Mahusay ang depensa ng CMU ngunit di nagpatinag ang UPIS sa sumunod na yugto. Sunod-sunod ang naipasok na tres nina Polo Labao, Collin Dimaculangan, at King Vergeire. Tinambakan ng Maroons ang kalaban sa wakas ng ikalawang kuwarter, 36-20.
Nag-init ang court sa umpisa ng ikatlong kuwarter nang bumawi ng mga tira at umungos ang CMU sa UPIS. Magkasunod na nakapuntos sina Robyn Maclang at Emmanuel Dumon ng CMU. Ngunit di natameme ang Maroons at mas pinatibay ang kanilang depensa. Nauwi ang kuwarter sa 59-40, lamang pa rin ang UPIS.
Nagsumikap bumawi ang CMU sa huling bahagi. Sunod-sunod ang pagpuntos nina Joshua Lazaro, Brian Contreras, at Maclang. Ngunit hindi nagpabaya ang Junior Maroons hanggang dulo. Nagtapos ang laro sa pinal na iskor na 76-57.
Ngunit makaraan ang panalong ito ay natalo naman ang UPIS sa 17U division laban sa AMA University Basketball Team, 89-61, sa parehong araw at lugar.
“Para sa ‘kin, we really did our best in that game. But our turnovers killed us and we weren’t getting enough rebounds. Plus only 7 players played in the game so we were very exhausted. I think if we were just complete we could’ve won it but it is what it is. In order for us to bounce back, we just gotta take care of the ball and laban lang every game,” pahayag ni Dimaculangan sa laro kontra sa AMA.
Mga Iskor:
UPIS vs. CMU
UPIS 76 – Santiago 21, Condalor 11, Dimaculangan 11, Estrera 11, Vergeire 7, Gomez De Liaño 6, Labao 6, Ebreo 3, Armamento 0, Torculas 0, Tuazon 0,
CMU 57 – Lazaro 15, Ronquillo 9, Maclang 8, Talavera 8, Dumon 6, Guerrero 6, Contreras 5, Agao 0, Alzarte 0, Caluza 0, Durian 0, Pineda 0, Quebradero 0, Sison 0
UPIS vs. AMA
AMA 89 – Gabriel 18, Villamor 12, Gabriel 9, Yambao 8, Baclig 6, Orbeta 6, Galicha 2, Camay 4, Cruz 4, Rodriguez 4, Santos 4, Seda 4, Durante 2, Gonzales 2, Pascual 2, Romero 2
UPIS 61 –Dimaculangan 16, Moralejo 15, Gomez De Liaño 11, Galotera 10, Lopez 5, Villarivera 4, Armamento 0, Abreu 0, Cordero 0, Fabi 0, Mapalang 0, Villaverde 0, Torculas 0 //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: Junior Fighting Maroons, pinataob ang CMU Basketball Team
TIBAY. Maliksing umaatake ng lay-up si Vergeire ng UPIS laban kay Dumon ng
CMU. Photo credit: Sulit Breakdown
Basketball
|

0 comments: