filipino,

Literary (Submission): Ang Pagtatapos

10/26/2018 08:53:00 PM Media Center 0 Comments




Ito na ang katapusan.
Malapit na tayong makapagtapos ng hayskul at nakakatakot ito.
Huwag mong isipin na
Hindi tayo magkakalimutan ng mga kaibigan natin.
Dagdag pa rito’y, tunay ngang
Matinding pagsubok ang pagpasok natin sa bagong yugto: ang kolehiyo,
At hindi dapat natin pagtuunan ng pansin na
Isang seremonya ito na punong-puno ng kasiyahan
Sapagkat ang tatatak sa iyong isipan ay
Ang kalungkutan na idinulot ng hirap na "mag-let go"
At
Ang pagdududa kung ika'y tatanggapin ng papasukin mong bagong mundo.
Kaya 'wag mong bigyan ng pansin
Ang konsepto ng pagtuntong sa kolehiyo ay kapana-panabik.
Ito na ang simula.
SKL. (share ko lang)

[Basahin muli simula sa dulo.]

You Might Also Like

0 comments: