bittersweet,
"Magkaibigan lang ba talaga kayo o magkaibigan na?"
Iyan ang laging tanong ng mga tao sa akin
Ang sagot ko naman minsan
Ay isang ngiti
Isang tawa
Ngingiti at tatawa
Ngunit wala akong bibitiwang salita
Ano nga ba ang sagot sa kanilang tanong?
Bakit ‘di natin balikan kung paano nagsimula ang ating kuwento
Pitong taong gulang tayo noon
Patakbo-takbo dito at doon
Masaya't magkasama sa sarili nating mundo
Sabi mo habang hawak ang kamay ko,
"Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"
Tumawa ako
Tumakbo ako
Palayo sa ’yo
Tatlong taon ang lumipas hanggang sa maging magkaklase ulit tayo
Sampung taong gulang tayo noon
Dumating ang Araw ng mga Puso
Nagtapat sa akin ang isa pang kaibigan ko,
"Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"
Alam kong nakikinig ka sa likod ng puno
Kaya tumawa ako
Tumakbo ako
Palayo sa kanya
Pero palapit sa ’yo
Hanggang lumipas ang ilang taong tila wala lang tayo sa isa't isa
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana
Naging magkaklase ulit tayo pagkatapos ng anim na taon
Labing-anim na taong gulang na tayo noon
Naging mas malapit tayo sa paglipas ng panahon
Ni hindi tayo mapaghiwalay ng kahit na sino
Hanggang sa naging tampulan tayo ng tukso
Tuwing inaasar tayo
Ngingiti at tatawa lang ako
Samantalang walang emosyon sa mukha mo
Gustong-gusto na kita noon
Gusto ko nang itanong,
"Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"
Lumipas ang isang taon
Labimpitong taong gulang na tayo
Kaliwa't kanan ang mga nagpo-propose
Mas tumindi ang panunukso sa atin
Kailan mo raw ba ako aayain?
Naghintay ako
Umasa sa ’yo
Umasang itatanong mo ito ulit sa ’kin
"Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"
Pero sa pagkakataong ito
Hindi ako tatawa
Hindi ako tatakbo
Dapat sasagot ako ng 'oo'
Tinanong mo ito tulad ng inaasahan ko
Hindi sa akin
Pero sa matalik na kaibigan ko
Nagulat ako na siya pala ang gusto mo
Naging tulay lang ako para mas maging malapit kayo
Kaya sa susunod na tatanungin ako
"Magkaibigan lang ba talaga kayo o magkaibigan na?"
Alam ko na ang sagot
Alam ko na kung ano tayo
Magkaibigan ngunit hindi magkaibigan kailanman
Literary (Submission): Kaibigan o ka-ibigan?

0 comments: