abby lim,

7 mag-aaral mula UPIS, nagkamit ng mga medalya sa mga sinalihang kompetisyon

1/17/2020 07:30:00 PM Media Center 0 Comments



Paggawad sa mathtatalinong Isko at Iska ng UPIS. Paggawad ng sertipiko ng pagkapanalo sa TIMO at BBB sa mga mag-aaral ng UPIS. Photo credit: Rochelle Gandeza

Pitong mag-aaral mula sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang ginawaran ng mga medalya sa awarding ceremony ng Big Bay Bei (BBB) at Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) na ginanap noong ika-12 ng Enero sa UPD School of Statistics.

Isang taunang kompetisyong inoorganisa ang TIMO ng Thailand Mathematical Society na bukas sa mga mag-aaral na lubos na interesado sa matematika. Ang kamakailang kompetisyon ay ginanap sa Tokyo, Japan.

Layunin ng kompetisyon na BBB o "Big Bay Bei" na tuklasin ang natatagong talino ng kabataan sa matematika.

Para sa BBB, ginawaran ng pilak na medalya si Zuleikarich Monares ng 5-Cordillera. Nakakuha naman ng tansong medalya sina Mikaela Stefan Boras ng 2-Mangga, at Jian Achilles Salonga ng 2-Atis.

Para sa TIMO, ginawaran ng gintong medalya sina Mikaela Stefan Boras ng 2-Mangga, Jian Achilles Salonga ng 2-Atis , Hazekiah Etian Sagayaga ng 3-Dagat, at Sean Caleb Sanguyu ng 4-Mustasa. Nagkamit naman ng pilak na medalya sina Zuleikarich Monares ng 5-Cordillera at Caroline Grace Sanguyu ng 5-Banahaw.

Iimbitahan ang lahat ng mga nagkamit ng medalya sa BBB at TIMO na lumahok sa final round na gaganapin sa Chiang Mai,Thailand.

"Elated and proud not just of my children, but of the whole UPIS contingent. Iba talaga ang galing UPIS." pahayag ni Cynthia Sanguyu, ina ni Caroline.

Ang Hong Kong International Olympiad ang maaaring susunod na lalahukan ng mga mag-aaral. Ang final round ng TIMO ay gaganapin sa ika-3 hanggang ika-6 ng Abril. Gaganapin ang heat round sa UP Diliman ng May 31, 2020. Iimbitahan ang lahat ng makakakuha ng gintong medalya sa final round sa TIMO at HKIMO na lumahok sa World International Mathematical Olympiad. //nina Rochelle Gandeza at Abby Lim

--------------------
ERRATUM: Ang heat rounds ng TIMO ay ginanap sa UP Diliman at hindi sa Tokyo, Japan. Sa halip, World International Mathematics Olympiad o WIMO ang ginanap sa Tokyo, Japan. Si Sean Caleb lamang ang natatanging kalahok dito na mula sa UPIS. Ang mga nagkamit lamang ng medalya mula sa TIMO ang inimbitahan para sa final round ng nasabing kumpetisyon sa Chiang Mai, Thailand at hindi kasama ang mga nagkamit ng medalya mula sa BBB. Si Gng. Cynthia Sanguyu ay ina rin nina Sean Caleb at Caroline Grace. Ang buong Media Center ay humihingi ng paumanhin sa mga maling impormasyon na nakasulat sa artikulo.

You Might Also Like

0 comments: