filipino,

8 UPIS Boy Scouts, inirepresenta ang Pilipinas sa International Scout Ski Camp

1/23/2020 07:30:00 PM Media Center 0 Comments



MGA DELEGADO. Grupo ng mga Boy Scout mula UPIS na nakangiti para sa isang litrato sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ang kanilang flight papuntang South Korea. Photo Credit: Raymond Tingco

Tumayong delegado ng Pilipinas ang walong UPIS Boy Scouts sa International Scout Ski Camp na ginanap sa Pyeongchang, South Korea mula Enero 11 hanggang 16.

Layunin ng nasabing camp na inorganisa ng Korea Scout Association (KSA) na hikayatin ang mga lumahok na sumama sa nalalapit na 25th World Scout Jamboree na gaganapin din sa naturang bansa sa taong 2023. Pangalawang beses na ang KSA ang magho-host ng international event, magiging selebrasyon ito ng 100th year ng Scout Movement sa Korea sa 2022 at paghahanda sa susunod pang isandaang taon.

Ang mga mag-aaral na nagsilbing delegado ay sina Gabriel Yuri Bustamante, Alonzo John Ibarra O. Cristobal, at Raymond Joseph J. Tingco mula Grado 8, at Johan Samuel R. Danque, Dhaniel Emmanuel B. Dellomas, Ren Marius G. Gracia, Ron Mervyn G. Garcia, Gideon C. Lorenzo, at Parker T. Rudio ng Grado 9. Nakasama rin sa camp sina Dr. Lorina Y. Calingasan, prinsipal, Sir Molave Nemesio C. Macapagal, tagapayo ng Boys Scouts ng UPIS, at ilang kawani mula sa Boy Scouts of the Philippines (BSP). Nagpadala rin ng mga delegado ang Thailand at Taiwan.

Bilang bahagi ng programa, nagkaroon ng ski lessons ang mga mag-aaral at bumisita sila sa headquarters ng KSA. Pumunta rin sila sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa Seoul tulad ng Gyeongbokgung Palace at Bukchon Hanok Village.

Ayon kay Tingco, “Medyo kakaiba rin yung feeling kapag naaalala namin na kami lang pala ang delegates mula sa Philippines, kaya di lang pala school ang nire-represent namin, kundi ang Philippines na pala mismo.” //ni Kyla Francia

--------------------
ERRATUM: Gideon C. Lorenzo was not part of the delegation. We apologize for the mistake.

You Might Also Like

0 comments: