filipino,

Haraya 2022, inilimbag ng Malikhaing Pagsulat

1/15/2020 07:30:00 PM Media Center 0 Comments



HARAYA. Ang mga libro ng Haraya 2022 na maayos na nakalagay sa mesa sa loob ng Room 111 sa UPIS HS Building. Photo Credit: Ej Cruz

Ginanap ang book launching ng Haraya 2022 na pinangunahan ng mga estudyante ng Malikhaing Pagsulat noong Disyembre 12, 2019.

Naglalaman ang Haraya 2022 ng mga akdang pampanitikan na kanilang isinulat. Ito ay may temang repleksyon o pagkakakilala sa sarili bilang isang manunulat.

Bilang panimula, nagbigay ng maikling introduksyon si Jiboy Oseo, ang tinaguriang EIC ng Malikhaing Pagsulat batch 2022, patungkol sa kanilang mga inihanda para sa book launch.

Nagkaroon ng mga pagtatanghal mula sa mga banda gaya ng Blue Moon, Reimagined, Sa'n Banda, at Alitaptap.

Mayroon ding piling mga mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang mga akda. Itinanghal ang mga tula na "Layo" ni Onise Manas at "Natatangi" ni Marielle Macadaan. Naghanda rin si Rofert Ramos ng kawili-wiling presentasyon ng kanyang personal na sanaysay na pinamagatang "Pagkamulat". Kabilang pa sa mga itinanghal ang kwentong pambata ni Gabi Santiago na pinamagatang "May umapaw sa bayong", at ang isinulat na dula ni Dianne Pasia na may pamagat na “Hindi lason ang lason”.

Naghanda rin ang mga mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat ng mga snacks na maaaring kainin habang nanonood ng mga pagtatanghal. May photo booth na nasa likurang bahagi ng silid kung saan maaring magpakuha ng litrato. Nagkaroon din ng dedication booth para ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga nais na sabihin.

Sa dulo na programa ay nagpalit ng damit ang 2022 upang ibigay ang kanilang huling mensahe na, "huwag matakot at mag-alinlangan na palayain ang iyong haraya".

"Sobrang humbling po maging EIC ng Haraya ng batch namin. Nakakatuwa po kasi all throughout the planning masaya lang po kami. Masaya rin po ako nang nalaman ko pong yung batch po namin yung may highest number of sales, ayon po kay Ma'am AC," mula kay Jiboy Oseo. //nina Liane Bachini at Kyla Francia

You Might Also Like

0 comments: