filipino,
Global Scientists and Engineers Program seminar, inilunsad
GSEP Seminar. Mga mag-aaral na grado 11 mula sa Applied Sciences Track kasama ang tagapagsalita na si Bb. Eden M. Andrews mula sa GSEP. Photo credit: Stella Pascual
Idinaos ang Global Scientists and Engineers Program (GSEP) Seminar na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Applied Sciences track ng Grado 11 noong Enero 23, 2020 sa UPIS Auditorium mula 11:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali.
Layunin ng seminar na hikayatin ang mga mag-aaral na nagnanais maging inhinyero sa ilalim ng GSEP, ang kauna-unahang International Bachelor of Engineering degree program sa Tokyo Institute of Technology (Tokyo Tech) na inilunsad noong Abril 2016.
Kada taon, pumipili ang Japan Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ng mga mag-aaral na bibigyan ng apat na taong scholarship. Ang mga napipiling mag-aaral ay wala nang babayaran para sa kanilang application, admission, at matrikula. Dagdag pa, makatatanggap sila ng monthly allowance.
Lahat ng mag-aaral na makapapasok at kwalipikado sa kanilang scholarship sa nasabing programa ay mapapasailalim sa Department of Transdisciplinary Science and Engineering at mag-aaral ng kursong may kinalaman sa Science at Management. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, tuturuan sila ng intercultural leadership skills at future vision na makatutulong sa kanilang paglutas sa mga problemang pandaigdig.
Hindi kinakailangan ng kakayahan sa wikang Hapon upang makapasok sa programang ito dahil ang lahat ng pagtuturo ay gagawin sa wikang Ingles.
"Nakakatuwang malaman na marami ring opportunities para sa atin sa ibang bansa." saad ni Berna Bagnes, isang mag-aaral na dumalo sa seminar. //ni Rochelle Gandeza
0 comments: