Chanel No. 5,

Literary: Tanging Hiling

3/13/2020 08:25:00 PM Media Center 0 Comments



Hindi naman ako naging maramot,
pero ba’t hanggang ngayon, ikaw ay takot?
Takot na magmahal,
dahil baka ‘di tayo magtagal.

Hindi naman ako makasarili
Natakot lang talaga akong masaktan sa huli
Hindi ako natakot sa pagmamahal mo
Takot ako sa lakas ng damdamin ko para sa'yo

Ikaw ang hindi masaya!
Ikaw ang hindi natutuwa!
Ayaw mong magparaya,
dahil baka sa huli’y luluha kang mag-isa.
Masaya akong ika'y narito
Ngunit natatakot pa ako sa konsepto ng 'tayo'
Kung sana'y sa ibang panahon ka dumating
Sa panahong handa na kitang makapiling

Gulong-gulo na ako!
Di ko maunawaan ang nais mo.
Sabi mo mahal mo ‘ko,
pero ayaw mong magsama tayo.

Gulong-gulo na ako
'Di ko maintindihan ang sarili ko
Oo, mahal kita, at gusto pa kitang mahalin
Pero hindi pa yata kita kayang piliin

Kaya sa huling pagkakataon, bago ako magdesisyon,
ibibigay ko sa’yo ang rosas na sa puso ko’y ibinaon.
Hahayaan mo bang malanta,
o bubuhayin mo hanggang tayo’y tumanda?

Sa huling pagkakataon, bago ka kumawala
Rosas mo nama'y ayaw kong malanta
Gusto ko lang namang maghintay ka
Hangga't sa ako'y maging handa na

You Might Also Like

0 comments: