filipino,
Ano ang basehan ng kaligayahan?
Magandang kabuhayan,
Lakas ng kalooban,
Ngunit isipa’y walang kapayapaan,
Puso’y may kabalisahan
Ano ang basehan ng kaligayahan?
Pagdulog sa Diyos ng kalangitan,
Hihingi ng kahit kaunting kasiyahan,
Kahihintay, walang kasagutan,
tila hindi nakakamtan
Ano ba ang basehan ng kaligayahan?
Malalapit na kaibigan,
Pamilyang nasa tahanan,
Sa panahon ng kadiliman,
Hindi ko na masilayan
Ano nga ang basehan ng kaligayahan?
Masasayang ngiti, mga tawanan,
Ngunit kinagabihan,
Nababalot ng kalungkutan,
Mga mata’y luhaan
Literary: Magkakaibang Basehan ng Kaligayahan
Magandang kabuhayan,
Lakas ng kalooban,
Ngunit isipa’y walang kapayapaan,
Puso’y may kabalisahan
Ano ang basehan ng kaligayahan?
Pagdulog sa Diyos ng kalangitan,
Hihingi ng kahit kaunting kasiyahan,
Kahihintay, walang kasagutan,
tila hindi nakakamtan
Ano ba ang basehan ng kaligayahan?
Malalapit na kaibigan,
Pamilyang nasa tahanan,
Sa panahon ng kadiliman,
Hindi ko na masilayan
Ano nga ang basehan ng kaligayahan?
Masasayang ngiti, mga tawanan,
Ngunit kinagabihan,
Nababalot ng kalungkutan,
Mga mata’y luhaan
May mga basehan ako sa kaligayahan
Mahirap nga lang ilahad ang kabuuan
Pero para sa akin ito’y nararapat
At akin itong pinaniniwalaan
Na hindi magbabago kailanman
Buo ang aking mga mahal sa buhay
Sa hirap man o ginhawa
Dumadaan man sa pagsubok at kahinaan
Hinding-hindi kami maghihiwalay
Kahit pa kami’y magkatampuhan
Pangarap na nais kong makamtan
Makapagtapos ng aking pag-aaral
Paglingkuran ang aking bayan
Aking panalangin sa Maykapal
Malagpasan ang mga hamon ng buhay
Mamuhay nang masaya’t makulay
Makita ang mga ngiti sa labi ng aking magulang
Walang labis, walang kulang
Para sa akin ito ang ilang basehan
Pero para sa iyo iba ang posibleng dahilan
Kapwa di natin pwedeng husgahan
Magkakaibang basehan ng kaligayahan
0 comments: