Eloisa Dufourt,
“Sana all may ka-holding hands”, “Hugot!”, “Charot lang!”
Iyan ang mga halimbawa ng trending na jargons o mga salitang naiintindihan lamang ng iilang grupo sa Pilipinas. Kagaya sa ating bansa, mayroon ding sariling jargons sa UPIS na madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa UPIS.
1. “Natapos mo na ba ‘yung HRR?”
Ang ibig sabihin ng HRR ay Home Reading Requirement. Ito ang librong binabasa sa bawat quarter mula grado 3 hanggang grado 9 sa asignaturang English. Matapos itong basahin, nagkakaroon ng mga pagsusulit o kaya ay mga gawain ukol dito. Ang mga halimbawa ng HRR sa UPIS ay ang Percy Jackson: The Lightning Thief, The Good Earth, The Last Time I Saw Mother, The House of Scorpions at marami pang iba.
2. “Walang nakalagay na quiz sa SOLA.”
Ang SOLA ay nangangahulugang Schedule of Learning Activities. Dito nakalagay ang iskedyul ng mga aralin at gawain para sa ispesipikong mga araw. Nagsisilbi itong gabay ng mga guro, maging ng mga mag-aaral ng UPIS kung anong mga paksa ang pag-aaralan at kung kailan ito nakatakdang talakayin.
3. “May nasimulan ka na sa FloLau?”
Ang FloLau ay ang maikling termino para sa Florante at Laura. Ito ang tula ni Francisco Balagtas na pinag-aaralan ng mga nasa grado 8 sa Filipino. Kasama ng pag-aaral sa FloLau ang mga pagsusulit at pangkatang gawain patungkol dito. Hindi rin mawawala ang pagkakabisado ng ilang bahagi tulad ng saknong tulad 70:
4. “Anong oras P.A. natin?”
P.A., hindi personal assistant kundi Practical Arts. Katumbas nito ang Home Economics sa ibang paaralan. Dito pinag-aaralan ang pagluluto, family roles, pangangalaga ng sanggol o bata, drafting, panananahi at marami pang iba.
5. “Bili na kayo sa function namin.”
Ang Function ay isang proyekto sa Practical Arts 10 kung saan nagtitinda ang mga mag-aaral ng pagkain at dry goods sa loob ng 6 na linggo. Sa proyektong ito, tinuturuan sila kung paano ang kabuuang pangangasiwa ng isang negosyo - marketing, budgeting at iba pa. Ang mga halimbawa ng pagkaing itinitinda ay pasta at nachos. Para naman sa dry goods, usong-suo ang hair clips at school supplies.
6. “Ang haba ng PL nila.”
Kung sa kolehiyo ay may Dean’s List, ang UPIS ay may Principal’s List na mas kilala sa tawag na “PL”. Ito ang listahan ng mga mag-aaral sa bawat baitang na may General Weighted Average (GWA) na 80 pataas para sa isang semestre. Ang mga UPIS Isko at Iska na nasa PL ay nakatatanggap ng sertipiko.
7. “Ang ganda ng powerdance nila.”
Ang powerdance competition ay isang paligsahan sa pagsasayaw na nilalahukan ng mga batch sa junior high school. Ginaganap ang programang ito tuwing UPIS Days o UPIS Fair. Maraming gantimpala ang puwedeng makuha ng batch - Champion, 1st-3rd Runner Up, Male Stunner, Female Stunner, Best Cheer at marami pang iba. Maihalintulad ito sa Field Demonstration sa ibang paaralan.
8. “Saan ‘yung Rockman?”
Ang Rockman ay lugar kung saan makikita ang iskultura o sculpture ni Rock Man o The Prayer. Ginawa ito ni Ildefonso Marcelo na isang UPIS alumnus. Ang Rockman ay makikita sa tapat ng exit gate ng driveway.
9. “Laro tayo ng double cell!”
Hindi ito dobleng cell na parang sa Science. Sa UPIS, ito ay isang laro kung saan kahit ilan at kahit sino ay maaaring sumali. Nagsimula pa ito noong mid-2000s. Ito ay parang pinakumplikadong rock-paper-scissors sapagkat mas marami ang pagpipiliang pang-atake at madalas ay mahaba ang rounds.
10. “Sa elevator daw yung practice.”
Sa kahit anong sulok ng bawat gusali ng UPIS, wala kang mahahanap ni isang elevator. Iba ang tinutukoy na elevator sa UPIS, hindi ito bumababa o tumataas, sa halip, ito ay isang lugar sa 2nd floor sa pagitan ng mga Silid 123, 125 at 124, 126. Maaaring tumambay rito o gumawa ng mga pangkatang gawain.
Hindi lamang diyan natatapos ang mga jargons ng UPIS, marami pa ‘yan mula sa kani-kaniyang batch maging sa iba’t ibang seksyon. Maaaring salita lang ang mga jargons na ito ngunit ito ang nagpaparamdam ng natatanging koneksyon ng mga mag-aaral ng UPIS. //ni Eloisa Dufourt
Feature: Jargons ng mga Isko at Iska: UPIS Edition

"O pagsintang labis ang kapangyarihan,
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaki'ng lahat masunod ka lamang!"

0 comments: