feature,

Feature: 5 Habits to Study, Ayon sa Psychology!

3/06/2020 07:55:00 PM Media Center 0 Comments







Lahat tayo ay may study habit. May nag-aaral nang nakahiga, nakaupo, nakatayo. May nag-aaral din habang kumakain, habang nakikinig ng musika ng Spotify, Itunes, Google Music, habang may telebisyon o Netflix na tumutunog sa background. May mga nagre-review nang komportable, at mayroon namang mas pinipiling maging hindi komportable habang nag-aaral dahil baka makatulog daw sila. Ikaw? Alam mo ba ang study habit mo? Kung hindi, 'wag kang mag-alala coz ://www.opencolleges.edu.au/ gotchu! Bilang nalalapit na naman ang tinatawag nating hell week at periodic test, narito ang "5  effective ways to study" , ayon sa Psychology!


























1. GO CHUNKY!



Isang epektibong paraan ng pagsasaulo o pagme-memorize ng maraming impormasyon ay ang chunking. Ang chunking ay ang paggrupo ng mga indibidwal na impormasyon sa isang mas malaki at mas malawak pang ideya. 

Halimbawa ay pinapa-memorize sa iyo ang Periodic Table of Elements, mas maaalala mo raw ito kapag sinuri mo ang mga elements at inilagay sa isang mas malawak na grupo.

Huwag mong isipin ang Helium, Neon, Argon, Krypton, Xenon, Radon, bilang hiwa-hiwalay na element. Maaari mong isipin ang mga ito bilang Noble Gases para mas madaling matandaan. Maaari ka ring gumawa ng acronym, halimbawa, pwede mong gawing He-Ar-Kr-Xe-Rn ang mga element sa itaas. 

2. REWARD YOSELF, SIZ!

Unang naipakita ang positive reinforcement sa teorya ng sikolohistang si B.F. Skinner na tinatawag na operant conditioning. Sa operant conditioning, binibigyan ng reward ang maganda at mabuting pag-uugali, at binibigyan naman ng punishment ang hindi magandang asal. 

Maaaring gawin sa sarili ang positive reinforcement sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward sa sarili tuwing may natatapos kang asignatura, o paksa. Pwedeng milk tea, o tsokolate, kahit na anong matagal mo nang inaasam, dahil nag-review ka at alam mong deserve mo 'yon, siz!

3. THE KEY IS NOT TO CRAM ;)

Ang spaced repetition ay isang pamamaraan ng pag-aaral kung saan may interval o may agwat ang oras ng iyong pagre-review. Mas epektibo raw ito kaysa sa massed repetition o mas kilala natin bilang pagka-cram, dahil sa spaced repetition ay nagkakaroon ka pa ng oras para ma-absorb at mapanatili ang mga impormasyong iyong natutunan. 

Kaya kapag may paparating kang pagsusulit, mas matatandaan mo raw ito kung magre-review ka isang linggo bago ang quiz, at ulit-ulitin ito hanggang sa dumating ang araw ng mismong pagsusulit. 

4. RIGHT PLACE, RIGHT IMAGE, RIGHT ANSWER

Isa pang mabisang paraan ngpagre-review ay ang The Method of Loci. Isa ito sa pinakamadalas gawin ng mga mag-aaral. Maaaring ginagawa mo na ang metodong ito nang hindi mo alam. 

Ang The Method of Loci ay isang pamamaraan kung saan nagsasaulo ka ng mga impormasyon at iniuugnay ito sa mga lugar o inilalarawan ito sa iyong utak. Gumagawa ka ng isang imahe nito sa isip mo, base sa iyong pagkakaintindi.

Sa pagsagot ng pagsusulit, subukan mong alalahanin kung saang parte ng notebook mo nakasulat ang impormasyong iyon. Maaari mo ring alalahanin ang mga imaheng naisip mo at naiuugnay mo noong nag-aaral ka.

5. TWO IS BETTER THAN ONE 

Ang proseso ng pag-aaral na ito ay tinatawag na dual coding. Mas madali raw matatandaan ang mga inaral mo kapag ini-expose mo ang impormasyong natutunan mo sa dalawang stimulus. 

Halimbawa nito ay ang pagre-rephrase o paggamit ng sarili mong keywords. Kapag may ipinakitang depenisyon ang iyong guro sa kanyang powerpoint, isinusulat mo ang eksaktong depenisyon sa iyong notebook ngunit sinusulat mo rin ito sa paraan kung paano mo ito naintindihan, minsan may drowing pa nga eh!

Lahat tayo ay may iba’t ibang paraan ng pag-aaral at pagkatuto.Ilan lang ang mga ito sa maraming paraan para matulungan kang mag-aral sa susunod mong mga pagsusulit at pagre-review
Importante ito sa atin sapagkat matagal-tagal pa tayong mag-aaral bago dumiretso sa susunod na kabanata ng ating buhay.

Kaya kahit ano pa mang paraan ng pag-aaral ang trip mo, ang importante ay epektibo ito sa'yo. 'Wag mong sukuan ang pag-aaral, siz! Keep your brain cells busy, oki? Lezzgo! //ni Therese Aragon

You Might Also Like

0 comments: