filipino,
Napakunot ang aking noo
nang mapagtantong dito ako dinala
ng aking sariling mga paa
sa lugar na hatid sa iba'y ligaya.
Mga ilaw na mistulang bahaghari,
mga kawili-wiling tugtog,
at mga pagkaing itinitinda ,
idagdag mo pa ang mga rides na nakakahilo
na dahilan ng mga pagtawa...
Tunay ngang ako lang ang naiiba.
Sa malayo matatanaw,
pamilyar na ferris wheel na kinagigiliwan.
Naaalala ko pa nang huling dito ay mapunta,
gaya rin ako ng iba na puno ng saya at may kasama,
may kakwentuhan, katawanan,
na may isang kamay na sa iyo ay hindi bibitiw.
Ngayon, nanatili na lang ang mga alaala
na sa bawat pikit ng mata'y palaging nakikita.
Marahil ito rin ang dahilan kung bakit patuloy dito
bumabalik kahit mag-isa na lang.
Dahil ito ang lugar na minsan ko ring nagustuhan,
lugar na kahit saan ka lumingon,
may alaalang hindi nawawala, hindi kumukupas.
Sa tabi ay naghihintay,
Patuloy iniisip ang mga ngiting nakapalibot sa akin.
Tunay ba ang mga ito?
Ano kaya ang pakiramdam ng muling sumaya kahit mag-isa?
Napagtanto kong kahit naiiba ay hindi lilisan.
Magbabakasakaling ang kanilang saya ay aking muling mararanasan.
Literary: Nag-iisa

0 comments: