filipino,
Mga mag-aaral ng 7-12, nagpakitang-gilas sa Paligsamahan
LABAN. Naglalaban ang koponan ng grado 7 at 8 sa Ultimate Frisbee sa Quadrangle 1 ng UPIS 7-12 Building. Photo Credit: PK-Aid
Lumahok ang mga mag-aaral ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) mula grado 7-12 sa “PALIGSAMAHAN: Sports Fest” na idinaos noong Pebrero 12 at 13 sa UPIS.
Apat na sports ang nilaro sa Paligsamahan kabilang ang Ultimate Frisbee, Dodgeball, Chess, at Badminton na nahahati sa dalawang kategorya, ang singles at doubles. Nagbigay ng tig-40 minuto para sa bawat laban ng Ultimate Frisbee, 30 minuto sa Dodgeball, at isang oras naman para sa Badminton at Chess. Ginanap ang Ultimate Frisbee sa Quadrangle 1 ng UPIS 7-12 Building, Badminton sa 7-12 Gym, Chess sa 7-12 Library, at Dodgeball sa pagitan ng K-2 at 3-6 Building.
Itinanghal na kampeon sa Badminton singles ang Grado 9, at Grado 12 naman sa doubles. Nakapagtala ng sampung panalo at tatlong talo ang Grado 9 habang pitong panalo at tatlong talo naman sa Grado 12 sa kabuuan ng laro. Nasungkit din ng Grado 12 ang pagkapanalo sa Ultimate Frisbee kung saan nagwagi sila sa lahat ng tatlong laban. Nakuha naman ng Grado 11 ang Dodgeball at Chess at nakapagtala ng tatlong panalo sa kabuuan ng kanilang laban sa parehong sport.
Tumulong ang Organization and Management of Intramurals and Extramurals (OMIE) sa pangangasiwa ng Sports Fest.
"Kahit na mas maliit yung space alloted for the game this year, nag-enjoy naman kami sa paglalaro. Actually, mas thrilling yung ultimate frisbee this year kahit na 3 vs. 3 lang ang labanan. Gusto ko ding i-encourage yung mga girls ng ibang batch na mag-participate at i-represent ang kanilang batch sa paglalaro ng [ultimate frisbee] sa Sports Fest in the following years," mula kay Lois Mesano, kinatawan ng Grado 12 sa Ultimate Frisbee. //nina Liane Bachini at Kyla Francia
0 comments: