feature,
Hay, Pebrero na naman. Itong buwan ang pinakaaabangan ng mga magjowa eh. Naglipanang muli ang mga lovebirds at 'yung iba, naka-couple shirt pa. Siyempre, didistansya ka rin. Baka magkaroon ka pa ng diabetes dahil sa sobrang tamis ng mga nakapaligid sa’yo.
Sa paglayo mo sa mga magjojowa, gugulin mo ang oras na ‘yon upang i-treat ang iyong sarili. Oh, ito mga bagay na pwede mong gawin para tumigil ka na sa pag-e-emote dahil wala kang kaharutan ngayong buwan ng Pag-ibig.
Bonding
Makipagkita ka sa mga kaibigang matagal mo nang ‘di nakikita. Siyempre yung mga single lang, ayaw mo namang maistorbo yung mga kaibigan mong nilalanggam na. Maaari mo silang yayaing lumabas, manood ng sine, at makipagkwentuhan, kumbaga, tamang chill lang. Sila ang magiging “karelasyon” mo para sa Valentine’s. Sus, at least pagkakaibigan niyo’y magtatagal.
Matulog
Kaysa nakadilat ka at nakakakita ng mga magkaholding hands at may mga hawak na malalaking teddy bear, tsokolate at bulaklak, ipikit mo na lamang ang iyong mga mata. Naku naman! Common sense, mas kailangan mo ng at least 8 hours of sleep each day kaysa jowa. Diyan ka na lang bumawi, parang awa mo na.
Watch Movies or TV Shows
Maaaring mag-binge watch ka na lang ng mga movie o TV show. ‘Wag ka na munang manood ng mga romantic movies. Ang daming magagandang palabas sa ibang genre at mayroon ding mga documentary para mamulat ka naman.
Hobbies and Interests
Mayroon kang isang araw para gawin mo ang mga bagay na gusto mo hanggang sa mabaliw ka. Sa loob ng bente-kwatro oras ay maaari kang maglaro ng sports, kumain sa labas, mag-swimming at maglaro ng video games. Punuin mo ang sarili mo ng mga magpapaligaya sa’yo kahit sa maikling panahon na ‘yon.
Lahat ‘to ay nakapokus sa sarili mo, tama na muna ang pagpapakabaliw sa pag-ibig. Masayang magkaroon ng kasintahan pero mas masaya kung maglalaan ka muna ng sapat na oras para sa iyong sarili. Hanap ka nang hanap ng jowa, ‘di ka pa nga naghuhugas ng pinggan.
Oh 'di ba, ang daming paraan para mapasaya ang iyong sarili this Feb-ibig. Wala namang ipinagkaiba ito sa ibang buwan kung tutuusin. Reponsibilidad at choice mong gawin ang mga nakapagpapasaya sa'yo. 'Wag papakabog sa couples, dapat good vibes ka lang with yourself.
‘Ika nga, galingan mo munang maging single bago makipag-mingle. //ni Gabby Arevalo
Feature: Single sa February…Why worry?

0 comments: