Damdamin,
Lagi kong naaalala
ang gabing
nakasama kita.
Naaalala ko
ang mga pailaw
at palamuti
pati mga diwata,
pirata,
robot,
at mga payaso
-ang aking imahinasyon.
Habang tumatagal,
Lumalayo ako sa
realidad
tungo sa hiwaga
ng lugar na ito
at papalapit sa’yo.
Nanlamig ang aking mga kamay,
namutla ang aking mga pisngi,
at hindi ako makapagsalita.
Dahan-dahan
akong
iniangat
tapos biglaang pinaikot
at
ibinagsak
Nagdalawa ang paningin
at uminog ang lamang-loob
habang nasa tabi mo
-peligroso
at mapanganib.
Gayumpama’y sumugal din ako.
Nagbigay ako ng ilang halaga
at sumubok.
Tumira.
Mintis.
Sumubok akong muli.
Kung tutuusin,
Malabo namang manalo
ngunit sa bawat ibinayad
na barya
at sinubok na tira
nanatili akong humihiling
at umaasa.
Araw,
linggo
buwan
at taon ang lumipas.
Nasa isip ko pa rin
Ang mga sandaling iyon
dahil sa kabila ng hiwaga,
peligro,
at tirang laging sumasala,
ay ang labi kong natutong ngumiti
dahil sa puso kong
natutong umibig.
Literary: Sa Peryang Nagdaan
Lagi kong naaalala
ang gabing
nakasama kita.
Naaalala ko
ang mga pailaw
at palamuti
pati mga diwata,
pirata,
robot,
at mga payaso
-ang aking imahinasyon.
Habang tumatagal,
Lumalayo ako sa
realidad
tungo sa hiwaga
ng lugar na ito
at papalapit sa’yo.
Nanlamig ang aking mga kamay,
namutla ang aking mga pisngi,
at hindi ako makapagsalita.
Dahan-dahan
akong
iniangat
tapos biglaang pinaikot
at
ibinagsak
Nagdalawa ang paningin
at uminog ang lamang-loob
habang nasa tabi mo
-peligroso
at mapanganib.
Gayumpama’y sumugal din ako.
Nagbigay ako ng ilang halaga
at sumubok.
Tumira.
Mintis.
Sumubok akong muli.
Kung tutuusin,
Malabo namang manalo
ngunit sa bawat ibinayad
na barya
at sinubok na tira
nanatili akong humihiling
at umaasa.
Araw,
linggo
buwan
at taon ang lumipas.
Nasa isip ko pa rin
Ang mga sandaling iyon
dahil sa kabila ng hiwaga,
peligro,
at tirang laging sumasala,
ay ang labi kong natutong ngumiti
dahil sa puso kong
natutong umibig.
0 comments: