filipino,
Literary: Ferris Wheel
Sa loob ng ilang segundo
Kitang-kita ang mundong ibabaw
Nakasakay sa isang munting bakol
Kasama ang napanalunang teddy bear
Ang laki nito'y tulad ng isang tao
Pagewang-gewang, pabaling-biling
Nakaupo sa tuktok ng malaking gulong
Nagniningning ang mga bituin
Ang ilaw nila'y tumatama sa 'king paningin
Ang kadiliman ng kalangitan
Binabalot ang kapaligiran
Tila langit na nga ang nahahawakan
Ngunit sandali lamang nabuhay
Ang malambing na kayapaan
Nang tila bumagsak ang bakol
Binalot ng takot ang kasiyahan
At biglang napayakap sa katabing teddy bear
Sa bilis ng pag-ikot ng gulong
Ang dating payapang naramdaman
Tila isang lobong pumutok
Napahiyaw, napasigaw,
Sabay wagayway ng mga kamay
Paikot-ikot, paulit-ulit ang natanaw
Sa tulin ng takbo ng ferris wheel
Tila ang ilaw ng mga bitui'y
Naging linyang umiilaw
Ngunit madilim pa rin ang kalangitan
At ang langit ay muling nahawakan
Nang bumalik sa dating bilis
At ang bakol ay umilalim na
Inihinto ng mga bantay ang sinasakyan
At sa loob lamang ng ilang segundo
Ngayon lamang muli
Masasabi ko sa aking sarili
Nakaramdam na ako ng tunay na kaligayahan
0 comments: