filipino,
Napakakulay ng ating mundo
Mas lalo pa ngayong Araw ng mga Puso
Kahel, pula, dilaw at lila--
Kayraming bulaklak ang aking nakikita
Sa isang sulok, pinanood ang lahat
Sa mga sulyap na katotohana'y isinisiwalat
Sa mga matang kung tumingin ay kaylalim
Sinusubukang maabot ang isang mithiin
Mag-isa akong nakatayo
Nagmamasid mula sa malayo
Nang biglang marinig ang aking pangalan
Mahinang bulong mula sa aking kanan
Paglingon ko ay binati ng isang rosas na pula
Sumunod ang iyong ngiting napakaganda
Di napigilan ang nabuo sa aking labi
At ang mahulog pa lalo sa mga mata mong katangi-tangi
Ngunit
Hindi naman ako nagpadala
Sa nabuo kong napakatamis na pantasya
"Salamat ah," sinabi mo
Nang may pilit na ngiti, sagot ko'y, "Basta para sa'yo."
Nagsimula na akong maglakad papalayo
Papunta sa kaibigan, ako'y tumungo
Nakita ko siyang may kasamang iba
Pero inabot ko pa rin ang rosas mong pula
Literary (Submission): Ang Inabot Mong Rosas
Napakakulay ng ating mundo
Mas lalo pa ngayong Araw ng mga Puso
Kahel, pula, dilaw at lila--
Kayraming bulaklak ang aking nakikita
Sa isang sulok, pinanood ang lahat
Sa mga sulyap na katotohana'y isinisiwalat
Sa mga matang kung tumingin ay kaylalim
Sinusubukang maabot ang isang mithiin
Mag-isa akong nakatayo
Nagmamasid mula sa malayo
Nang biglang marinig ang aking pangalan
Mahinang bulong mula sa aking kanan
Paglingon ko ay binati ng isang rosas na pula
Sumunod ang iyong ngiting napakaganda
Di napigilan ang nabuo sa aking labi
At ang mahulog pa lalo sa mga mata mong katangi-tangi
Ngunit
Hindi naman ako nagpadala
Sa nabuo kong napakatamis na pantasya
"Salamat ah," sinabi mo
Nang may pilit na ngiti, sagot ko'y, "Basta para sa'yo."
Nagsimula na akong maglakad papalayo
Papunta sa kaibigan, ako'y tumungo
Nakita ko siyang may kasamang iba
Pero inabot ko pa rin ang rosas mong pula
0 comments: