filipino,

Mga mag-aaral, natuto sa mga sesyon ng ACLE

2/24/2020 07:45:00 PM Media Center 0 Comments



RAMPA. Si Bb. Joanna Pojas ng Modelling ACLE na tinuturuan ang mga mag-aaral kung paano rumampa, sa Silid 111 ng UPIS 7-12 Building. Photo Credit: PK-Aid

Dumalo ang mga mag-aaral ng Grado 3 hanggang 12 ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa pangalawang araw ng AGIMAT 2020 noong Pebrero 12, sa HIRAYA: Alternative Classroom Learning Experience (ACLE), mula 8 hanggang 10 ng umaga.

Natuto ang mga mag-aaral ng mga gawaing may kinalaman sa kanilang mga personal na interes mula sa iba’t ibang sesyon sa ACLE. Isinagawa rito ang workshop type na pagtuturo ng mga paksa o kasanayang hiwalay sa mga asignaturang tinatalakay sa regular na klase ng mga mag-aaral.

Pinapili sila ng isang sesyon na nais salihan sa naturang gawain. Ginanap ang ACLE ng Elementary sa 3-6 Bulding at sa 7-12 Building naman ang Junior at Senior High School.

Narito ang listahan ng mga sesyon sa ACLE para sa Grado 3-6:

Narito ang listahan ng mga sesyon sa ACLE para sa Grado 7-12:

Ayon kay G. De Ocampo, nagturo ng Korean Language ACLE ng 3-6, “Masaya para sa akin, first time ko talagang magturo legitimately ng isang bagay sa ibang tao so medyo kinakabahan din ako noon. Nakakatuwa rin na open sa bagong knowledge ang elementary students, kahit intimidating ang rules ng Korean Language from an outsider perspective, enthusiastic pa rin talaga silang matuto. Napaos ako sa kakasalita pero kung may napulot sila sa akin from the experience, worth na sa akin yung effort.” //ni Kyla Francia

You Might Also Like

0 comments: