Amelia,
Minsang nagliwaliw ang mga paa
Dinala ng munting paglalakbay sa isang perya
Kung saan maraming tao ang nagsasaya
Walang sawang naglalaro sa makukulay na kuwadra
Sa patuloy na paglalakad
May ‘di inaasahang nakabangga
Isang matikas na binata
Ako’y biglang napamangha
"Magandang gabi sa'yo!"
Bungad sa akin ng binatilyo
Ako'y napatingin sa mga mata nito
Waring tumatawag at nanunuyo
Makalipas ang ilang segundo
Nagpakilala siya sa ‘ngalang Basilio
Nabigla ako nang malaman ito
Siya pala ang kababata ko
Napansin niya ang mga mata ko
Tila walang buhay at malungkot
Kaya ako’y niyaya sa tsubibo
At doo'y mas nakilala ko siyang totoo
Pagkaraan ng tatlumpung minuto
Ang tsubibo'y huminto
Natapos na ang oras nito
Ngunit nagyayang muli si Basilio
Sa huling beses na pagsakay sa tsubibo
Napansing tila may kakaiba sa binatilyo
Tinanong ko kung ano ang kanyang problema
Sakit sa puso pala niya ay matagal na
Habang papalapit kami sa tuktok
Siya pala'y malapit na rin sa kaniyang rurok
Sa biglang paninikip ng kanyang dibdib
Maya’t maya ay napapikit, tuluyang namilipit
Sa kagyat na sitwasyong ito
Di ko alam ang gagawin ko
Kinapa na lamang ang kanyang pulso
Nagulantang nang malamang huminto ito
Simula noon, siya'y 'di mawala sa aking isipan
Hanggang sa pagtulog, laging napapanaginipan
Doon ay matagal kaming nagkakatitigan
Hinihiling ng puso na sana’y magkaaminan
Isang linggo na rin pala ang lumipas
Matagal na ‘kong ‘di lumalabas
Dahil sa isang pangyayaring di malilimutan
Sa tsubibo, kung saan siya’y aking huling nasilayan
Habang nakahiga sa ’king kama
Bumalik ang aming mga alaala
Lungkot ay muli kong nadama
Sa kanyang pagkawala, naging mahirap ang paghinga
Naglakas-loob akong bumalik sa perya
Umaasang saya’y muling madarama
Ngunit ngayong wala ka na,
Patuloy pa rin ang aking pagdurusa
Literary: Tsubibo
Minsang nagliwaliw ang mga paa
Dinala ng munting paglalakbay sa isang perya
Kung saan maraming tao ang nagsasaya
Walang sawang naglalaro sa makukulay na kuwadra
Sa patuloy na paglalakad
May ‘di inaasahang nakabangga
Isang matikas na binata
Ako’y biglang napamangha
"Magandang gabi sa'yo!"
Bungad sa akin ng binatilyo
Ako'y napatingin sa mga mata nito
Waring tumatawag at nanunuyo
Makalipas ang ilang segundo
Nagpakilala siya sa ‘ngalang Basilio
Nabigla ako nang malaman ito
Siya pala ang kababata ko
Napansin niya ang mga mata ko
Tila walang buhay at malungkot
Kaya ako’y niyaya sa tsubibo
At doo'y mas nakilala ko siyang totoo
Pagkaraan ng tatlumpung minuto
Ang tsubibo'y huminto
Natapos na ang oras nito
Ngunit nagyayang muli si Basilio
Sa huling beses na pagsakay sa tsubibo
Napansing tila may kakaiba sa binatilyo
Tinanong ko kung ano ang kanyang problema
Sakit sa puso pala niya ay matagal na
Habang papalapit kami sa tuktok
Siya pala'y malapit na rin sa kaniyang rurok
Sa biglang paninikip ng kanyang dibdib
Maya’t maya ay napapikit, tuluyang namilipit
Sa kagyat na sitwasyong ito
Di ko alam ang gagawin ko
Kinapa na lamang ang kanyang pulso
Nagulantang nang malamang huminto ito
Simula noon, siya'y 'di mawala sa aking isipan
Hanggang sa pagtulog, laging napapanaginipan
Doon ay matagal kaming nagkakatitigan
Hinihiling ng puso na sana’y magkaaminan
Isang linggo na rin pala ang lumipas
Matagal na ‘kong ‘di lumalabas
Dahil sa isang pangyayaring di malilimutan
Sa tsubibo, kung saan siya’y aking huling nasilayan
Habang nakahiga sa ’king kama
Bumalik ang aming mga alaala
Lungkot ay muli kong nadama
Sa kanyang pagkawala, naging mahirap ang paghinga
Naglakas-loob akong bumalik sa perya
Umaasang saya’y muling madarama
Ngunit ngayong wala ka na,
Patuloy pa rin ang aking pagdurusa
0 comments: