feature,

Feature: Limang Paraan ng Pagsabi ng “Alabyu”

2/21/2020 07:35:00 PM Media Center 0 Comments



Ang Pebrero ay ang buwan ng pagmamahal. Baka nga kaya walang klase ang UPIS noong nakaraang Biyernes ay para makasama natin ang mga taong ating minamahal. Kahit mahirap, dapat malaman natin ang iba't ibang paraan para ating masabi sa mga mahal natin sa buhay na talagang mahal natin sila. Narito ang ilang paraan ng pagpaparating ng "Mahal kita"at "I love you."

1. THE SILENT LAMBING

Ikaw ba ang tipong taong hindi kayang diretsuhin ang pagsabi ng "Mahal kita," at"I love you,"? 'Wag kang mag-alala! Hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ka na nagmamahal! Kahit hindi mo sabihin ay mayroon pa ring paraan upang maiparating mo ito sa mga mahal mo sa buhay, 'gaya ng Silent lambing.

Sa simpleng halik lang sa pisngi, at simpleng pagyakap kay Mommy, Daddy, Boyfie, o kay GF ay maaari mo nang maiparamdam ang iyong pagmamahal.

2. THE THANKFUL ONE

Kung hindi ka malambing na tao, at hindi mo rin kayang sabihin sa mga taong mahal mo na mahal mo sila, maaari ka na lang magpasalamat sa kanila.

Ang pagsabi ng "Thank you sa paghatid, Dad," o ng "Thank you sa pagluto, Ma," sa iyong mga magulang at "Thank you sa lahat," kay Jowa ay mga katagang ipinapasilip ang iyong pagmamahal sa mga tao sa iyong buhay.

3. THE BIOGESIC

Ang paraang ito ay halos kapareho lamang ng The Thankful One, ang tangi lang nilang pagkakaiba ay ang pagsasabi mo sa kanila ng "Ingat!" imbes na "Thank you!"

Sabihan mo lang si Mommy o Daddy na "Ingat sa trabaho!"at sabihan si Jowa na "Ingat papuntang school!"ay mararamdaman nila ang malasakit at pagmamahal mo sa kanila.

4. THE RICH KID

Kung mapera ka naman at may kuwarta kang pambili ng mga regalo at pagkain, maaari mo rin itong gamitin para iparating ang iyong pag-ibig.

Pwede kang mag-uwi ng paboritong pagkain ni Mommy, bilhan ng bagong polo shirt si Daddy, at bilhan ng roses at chocolates si Jowa.

Sa paraang ito, matutuwa sila dahil alam nilang nag-effort ka at gumastos para sa kanila.

5. THE CLASSIC "MAHAL KITA"

Kung gusto mo talagang maiparating ang iyong pagmamahal sa kanila ay maaari mong gawin lahat o alinman sa apat na nakalista sa itaas. Ngunit kung gusto mong makatiyak na alam talaga nilang mahal mo sila ay pwedeng-pwede mo namang ipunin ang iyong tapang at sabihin ang classic na "Mahal kita," o "I love you."

Sa totoo lang, marami pang paraan para maiparating ang iyong pagmamahal sa mga taong mahalaga sa iyo. Pero syempre, kahit anong paraan ang maisip mo, simple man o cheesy, mararamdaman nila dahil tunay ang pagmamahal mo. Bawat paraan, katumbas ay isang wagas na "Alabyu." //ni Therese Aragon

You Might Also Like

0 comments: