filipino,
Karnabal kong kinalakihan
Punong-puno ng kulay at kasiyahan
Ito’y palaging nagliliwanag sa gabi
Sumasabay sa ngiti ng aking mga labi.
Pag-alaala sa aking kabataan
Kumukuti-kutitap sa ilalim ng buwan
Abot-langit kong kasiyahan
Sabik sa mga atraksyong pwedeng puntahan
Noo’y takot na sumakay sa tsubibo
Ngayon ay takot na malimot ang sayang dulot nito
Ikaw na bumuo sa pagkabata kong ito
Hindi na mawawala pa sa puso’t isip ko.
Lumipas man ang ilang taon
Mga alaala kong maikakahon
Sa roller coaster na nagpahilo sa akin noon
Hahanap-hanapin ko sa mga susunod na panahon
Ito ang perya kung saan ko naranasan
Ang masasabi kong nagbigay sa akin ng kaligayahan
Na hindi ko makalilimutan kailanman
Maging sa bagong yugto, akin pa ring babalikan.
Literary: Karnabal kong Kabataan

0 comments: