filipino,

Surge 2020, nilahukan ng Appsci Batch 2021

2/11/2020 07:35:00 PM Media Center 0 Comments

Surge 2020. Mga Senior High School students na sina Lagahit, Francia, Atela, Mapa, Molina, Lagunilla at Abesamis (L-R) na kapwa nakilahok at natuto sa Surge 2020. Photo credit: Mikka Lagahit

Pitong mag-aaral mula sa Applied Sciences and Engineering track ng Grado 11 ang dumalo sa isang metro-wide Engineering Symposium na inorganisa ng UP Engineering Society noong Pebrero 8, 2020 sa Melchor Hall, UP Diliman.

Nilahukan ito nina Chailyn Abesamis, Carlo Atela, Diane Francia, Mikka Lagahit, Lea Lagunilla, Jammy Mapa, at Brenden Molina.

Ang UP Engineering Society, isang college-wide organization, ang nagpasimula ng seminar na pinamagatang, “Surge 2020: Bringing Engineering To The Filipino Youth”.

Layunin ng conference na maipakilala at maisulong ang iba't ibang disiplina at pagpapahalaga para sa pag-unlad ng komunidad.

Upang maipalaganap ito, nag-organisa sila ng talk at laboratory tour sa iba't ibang engineering departments sa kampus.

"Maganda siyang experience [kasi] mas lumawak [yung mga] na[la]laman ko tungkol sa mga aspeto, skills na kailangan, at mga gawain [tungkol sa] engineering." saad ni Abesamis. //ni Rochelle Gandeza

You Might Also Like

0 comments: