Chanel No. 5,
Makikita ang umiikot na carousel sa aking mga mata
Taglay ang liwanag at muslak
Ngiti ang nasa labi
Tumakbo papalapit
Nang may humawak sa aking pulso
Mahigpit, masakit
Lumingon ako
Isang pares ng matang
Taglay ang dilim at pusok
Hinigit ang aking sarili, nagpumiglas
"'Wag! Bitiwan mo ako!"
Tumakbo papalayo
Gusto ko lang namang sumakay.
Pumikit ako't muling dumilat
Nagising
Hawak ko ang aking anak sa isa kong kamay
Habang nakakamao ang isa
Sa tapat ng carousel,
Nagmamakaawa siyang sumakay
Lumingon ako
Sa aking tabi ay
Ang mapusok na mga matang madilim pa rin
Hinawakan niya ang kamay kong nakakuyom
Nanunukso, nanlalambing
Pumikit ako at
Hinayaan ang aking anak patungong carousel
Sa aking pagmulat ay
Pagsisisi
Sa aking nanakaw na kamusmusan
Binitiwan ko ang kamay
Na pinipilit akong hawakan
Gusto ko lang namang sumakay.
Literary: Bata
Makikita ang umiikot na carousel sa aking mga mata
Taglay ang liwanag at muslak
Ngiti ang nasa labi
Tumakbo papalapit
Nang may humawak sa aking pulso
Mahigpit, masakit
Lumingon ako
Isang pares ng matang
Taglay ang dilim at pusok
Hinigit ang aking sarili, nagpumiglas
"'Wag! Bitiwan mo ako!"
Tumakbo papalayo
Gusto ko lang namang sumakay.
Pumikit ako't muling dumilat
Nagising
Hawak ko ang aking anak sa isa kong kamay
Habang nakakamao ang isa
Sa tapat ng carousel,
Nagmamakaawa siyang sumakay
Lumingon ako
Sa aking tabi ay
Ang mapusok na mga matang madilim pa rin
Hinawakan niya ang kamay kong nakakuyom
Nanunukso, nanlalambing
Pumikit ako at
Hinayaan ang aking anak patungong carousel
Sa aking pagmulat ay
Pagsisisi
Sa aking nanakaw na kamusmusan
Binitiwan ko ang kamay
Na pinipilit akong hawakan
Gusto ko lang namang sumakay.
0 comments: